Pelikula ni Teejay Marquez sa Indonesia, dinumog ng libu-libong Indonesian fans

ADVERTISING

Pelikula ni Teejay Marquez sa Indonesia, dinumog ng libu-libong Indonesian fans

Teejay Marquez
Teejay Marquez

Naging matagumpay ang premiere night ng pelikula ng Pinoy Indonesian Star na si Teejay Marquez sa Indonesia entitled “Dubsmash The Movie” last June 2 na magsisimula ang regular showing sa June 9.
Sobrang happy nga ni Teejay Marquez nang maka-chat namin sa Facebook. “Sobrang saya ko, kasi sobrang dami ng taong nanood. Hindi ko naranasan sa Pilipinas ‘yung ganito kalaking premiere night, kung saan ako ‘yung bida.
“Sana maipalabas din ito sa Pilipinas para mapanood ng mga kababayan natin. Iba pala ‘yung feelings na naa-appreciate ka ng hindi mo mga kalahi, iba ‘yung achievements,” dagdag pa ni Teejay.
Sa success daw ng nasabing pelikula, may naka-line up na pelikulang gagawin si Teejay, at hindi lang pelikula dahil magbibida rin ito sa isang once a week drama show.
Bukod pa rito ang kanyang regular teleserye, na ayon kay Teejay Marquez ay puwedeng tumagal nang tatlong taon depende sa ratings. Ganun daw kasi ang mga serye roon, tumatagal nang 3 years.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING