Pelikula ni Erich Gonzales para sa Pista ng Pelikulang Pilipino, suportado ng mga kaibigang artista!

ADVERTISING

Erich Gonzales

LAST WEDNESDAY evening ay nagkaroon ng special celebrity screening (premiere night) ang pelikulang “We Will Not Die Tonight” na maglulunsad kay Erich Gonzales bilang isa sa mga bagong action stars natin.

Kilala ang aktres sa mga romcom at mga sexy drama roles sa telebisyon at pelikula at kasama na rito ang latest afternoon serye ng dalaga tulad ng The Blood Sisters na kasalukuyan pa rin umi-ere sa Kapamilya Network.

Pero iba ang aksyon. Hindi kilala si Erich sa mga ganitong genre pero naitawid niya ang role niya bilang isang stuntwoman na napasok sa isang raket na maglalagay sa kanyang sa kapahamakan.        

In fairness, hindi namin inaasahan na keri pala ng isang very feminine and fragile-looking na si Erich ang mga eksena niya sa pelikula na isa sa walong mga official entries para sa darating na 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino na magsisimula na mapanood sa darating na Wednesday.

ADVERTISING
Pelikula ni Erich Gonzales para sa Pista ng Pelikulang Pilipino, suportado ng mga kaibigang artista!
Erich Gonzales

During the preem, pinalakpakan ang aktres ng mga kapwa niya artista na dumalo sa naturang screening tulad nina Gerald Anderson, Enchong Dee, Maja Salvador, Cherie Pie Picache, Dina Bonnevie, mga co-stars niya sa kanyang serye at marami pang iba.

Madami sa mga kapwa artista ng aktres ang hindi makapaniwala na kaya pala gawin  ni Erich ang mga nagawang mga eksena.

Isa sa inaabangan ay ang pa-block screening ni Kris Aquino para sa kanyang “love” na si Erich this week pag nagsimula na ang PPP sa darating na Wednesday, August 15 sa mga sinehan nationwide.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING