PBB Loveteam JACIA, nagbigay-saya sa mga bata

ADVERTISING

KAHIT HINDI MAGKATAMBAL ngayon sina James Reid at Tricia Santos, buo pa rin ang suporta sa kanila ng mga fans nila. Sa katunayan, nagkaroon ng Outreach Party ang dalawa para sa mga bata ng Marco Polo Care Center ng Virlanie Foundation noong December 19. May palaro, gift-giving, at kantahan!
Nakakatuwa sina James Reid at Tricia Santos. Game na game at walang kiyeme! Nakipaglaro sila sa mga bata ng Longest Line, Catch the Dragon’s Tail, at Newspaper Dance. Malakas talaga ang chemistry ng dalawa. Pati ang mga bata ay nagsasabi sa kanila: “Bagay po kayo!” Sa ilang oras na nakasama nila ang mga bata ay napalapit na rin ang mga ito sa kanila. Kinantahan nina James at Tricia ang mga bata. Patok na patok ang kantang ‘Hawak Kamay’ sa mga bata!
“Matagal ko na pong hindi nagagawa ito. Napakasaya ko po. Isang pamaskong handog po para sa mga bata,” sabi ni Tricia. Noong bata pa si Tricia ay sumasama na siya sa kanyang lolo sa mga charity work.

Hindi rin maitago ng PBB Teen Clash Big Winner na si James Reid ang kanyang kasiyahan. “The event was so memorable. I love the kids!”
Ang party na tinawag na “A Day with the Kids” ay sinuportahan ng mga fans ng JACIA, TFC Subscribers, at ilang pribadong tao. Tumulong rin ang Pediatrica, Saint Pedro Poveda College Social Action Center, at Full Circle Communications.
Ipinarating ng Virlanie Foundation ang kanilang pasasa-lamat kay James at Tricia, sa kanilang mga fans, at sa iba pang tumulong. Sana ay tularan ng ibang kabataan ang ipinakita ng JACIA loveteam.
Sina James at Tricia ay kasalukuyang napapanood sa ShoutOut!, ang pinakabagong teen variety show ng Kapamilya Network. Bulong sa amin ng JACIA fan na si Dahlia Fababeir, ang JACIA na lang daw ang PBB loveteam na hindi pa nabibigyan ng exposure simula nang lu-mabas ang dalawa sa Bahay ni Kuya. Ang wish ng JACIA Bebes sa bagong taon ay ang ‘makitang muli ang JACIA sa telebisyon.’

ADVERTISING

(Maria Angela F. Abad)

Fan Page

ADVERTISING