PBB ex-housemate Ranty Portento, determinadong mag-artista

ADVERTISING

PBB ex-housemate Ranty Portento, determinadong mag-artista

Ranty-PortentoDETERMINED PALANG mag-artista itong si Ranty Portento. He was sixteen when he first tired his luck sa showbiz by auditioning sa StarStruck, sa batch ni Martin Escudero. Nasama siya sa top 80 noon.

Then, he tried his luck again during the batch of Enzo Pineda.

“Siya (Enzo) ‘yung nagbigay sa akin ng word of wisdom,” chika sa amin ng bagong alaga ni tito Alfie Lorenzo.

“Sabi niya, ‘second time mo na ‘to, magkita-kita tayo dito, ‘wag kang susuko. Nakapasok ako sa Top 60 pero siya ang pumasok sa grand finals,” kuwento ni Ranty na nakapasok sa Pinoy Big Brother All In Edition.

ADVERTISING

Actually, second try na rin pala ni Ranty ang PBB. Noong panahon ni Slater Young ang unan niyang sabak sa PBB. Nakapasok naman siya sa mga nag-audition pero natanggal din siya.

“After two months ay tumawag ang mga taga-PBB pero hindi na ako makakabalik kasi nasa barko na ako. Sabi ko, may next time pa. Ito na nga ‘yon. Ito ‘yung last time na ita-try ko. ‘Pag hindi ako pumasok wala na ang dream kong mag-artista,” kuwento ni Ranty.

Sa ngayon ay waiting pa si Ranty ng assignment from ABS-CBN matapos mag-guest sa show nina Kris Aquino at Boy Abunda at ang reality show ni Ryan Bang sa lifestyle network.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING