PBB ex-housemate Manolo Pedros, sobra kung buntutan ng beki sa network

ADVERTISING

PBB ex-housemate Manolo Pedros, sobra kung buntutan ng beki sa network

Manolo-PedrosaMAY STALKER si Manolo Pedrosa. Isa siyang beki na nagtatrabaho sa isang network. Para raw asong buntot nang buntot ang stalker ni Manolo, meaning, kung saan siya naroon, makatitiyak kang naroon din ang baklang grabe ang paghanga sa kanya.

Nasu-surprise na lang daw si Manolo dahil nalalaman ng beking ito ang activities ng binata. Madalas daw ay bigla na lang itong sumisipot sa taping kahit hindi naman siya kailangan. Kakatok daw ito sa dressing room niya at magpapa-cute.

Writer ang beking stalker ni Manolo at pinagtatawanan ito sa buong istasyon. Parang wala kasi itong magawa sa buhay kundi maging anino ng former PBB housemate. Tawa nang tawa ang mga staff ng show kung paanong maging tila Bona ang stalker na bakla. Palagi raw kasi itong nakaalalay sa newbie actor kahit na meron naman itong sariling assistant.

Ang tanong ng karamihan sa network, ano raw ba ang pagpapalaking ginawa ng ina ng beking stalker kaya ito lumaki nang ganoon. Bakit daw pinababayaan niya ang kanyang anak na maging laughing stock sa network nila?

ADVERTISING

Da who ang baklitang stalker? Naku, ‘wag na natin siyang pangalanan dahil baka mas maging notorious pa siya. Isa lang ang sinasabi ng mga utaw sa network na pinagtatrabahuhan niya, beking ina n’ya!!!

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING