Paulo Avelino, walang attitude sa trabaho

Paulo Avelino, walang attitude sa trabaho

Paulo-AvelinoNGAYON PA lang, parang kumapit na ang mga tao sa Bridges Of Love, dahil trailer pa lang nito ay punum-puno na ng misteryo at ramdam mong ang huhusay ng artista.

Si Paulo Avelino na hindi napansin ang talento nu’ng Kapuso Star pa ito at nu’ng bigyan ng break sa Walang Hanggan (lalo na ‘yung nagkaroon siya ng problema sa pag-iisip na ang galing-galing niyang magbaliw-baliwan).

Si Jericho Rosales na parang 9 inches ang nota, dahil pinag-aagawan nina Angel Locsin at Maja Salvador sa The Legal Wife sa makatotohanang pagganap.

At si Maja nga na bumebeterana na sa pag-arte mula nu’ng gumanap bilang “kabit” sa The Legal Wife ay isang star dancer ngayon sa Bridges of Love at pag-aagawan ng magkapatid (‘wag kayong maingay at hindi pa nila alam na magkapatid sila) na Jericho at Paulo.

Kaya after Forevermore na kinahuhumalingan din ng sambayanan ay magandang kasunod ang Bridges Of Love.

At siyempre, special mention namin si Paulo na ang guwapo-guwapo sa trailer at siyempre, mas guwapo sa personal. Araw-araw siyang humuhusay, in fairness.

At mabait katrabaho. Walang attitude sa trabaho, dahil isang taon din naming nakasama ‘yan sa tent ng Walang Hanggan at talaga namang bukod sa may sense kausap ay kakinis namang bata nire ‘pag naghuhubad na sa harap ko.

Hahahahaha! Prangkahan na ‘to. Walang inangit si Paulo sa kuyukot. Pantay na pantay ang kulay at walang blemishes (blemishes talaga?) sa likod.

Hahahaha! Ano ba ‘yan,  humaharot na naman ako.

Oh My G!
by Ogie Diaz