Paulo Avelino, tinakasan ang media sa isang event!

ADVERTISING

Paulo Avelino, tinakasan ang media sa isang event!

Paulo Avelino, tinakasan ang media sa isang event!HINDI NASAGOT ng mga staff ng Cosmo at Summit Media ang mga tanong namin sa kanila kung bakit biglang umalis si Paulo Avelino sa venue ng presscon ng Cosmo Bash after ng question and answer portion.

Time na para sa one on one session between the Cosmo hunks na feautured sa kanilang top ten bachelors pero ang coverboy na si Paulo ay nowhere in sight na sa venue.

Say ng isang nakakita, nagmamdali raw itong umalis, dumaan sa likod at sumakay agad sa kanyang karumba, and broom, takbo na raw ito.

Ano ba ang iniiwasang tanong ni Paulo at bakit hindi siya nag-stay kahit mga 30 minutes lamang kapareha ng ibang centerfolds na napakagiliw na nagpa-interview sa media.

ADVERTISING

If ever naman siguro na may mga tanong siyang ayaw sagutin ay puwede naman siyang magsabi ng ‘No Comment,’ or ‘Huwag na muna na-ting pag-usapan.’

Ganu’n lang naman ‘yun kasimple. Eh sa Martes, September 18, muli na naman kaya siyang tatakas sa media after niyang rumampa? Abangan!

 

NAKAGUGULAT ANG balitang tuluyan na ngang naghiwalay sina Lian Paz at Paolo Contis. Dahil alam naman natin kung paano nila ipinaglaban ang kanilang pag-iibigan noong una pa lang pumutok ang balitang nagli-live in na sila. At last week, umingay nga ulit ang kanilang mga pangalan, pero sa ibang anggulo naman – tuluyan nang tinuldukan ni Paolo ang kanilang relasyon. Kasal ang dalawa at may dalawang anak.

Nakapanayam ng Ang Latest: Updated ng TV5 noong Sabado, September 14,  via live phonepatch si Lian. Sa kuwento nito, “Ahm, ‘yun pong hindi namin pinagkasunduan is, actually not clear to me, kasi si Pao is the type of person na talagang tahimik ‘yan eh, kapag may problema mas mahilig siyang magsolo, hindi niya sinasabi po. So siguro po there’s a problem between the two of us, ‘yun po ‘yung miscommunication po talaga.”

Dagdag pa niya, si Paolo ang nakipagkalas sa kanya. Ano kaya ang usapan nila tungkol sa kanilang dalawang anak? “Opo, yes, I’m giving him time to think about everything kasi mahirap naman po kung ipilit ko nang ipilit ‘yung sitwasyon kung bakit siya nakipaghiwalay. Pero when it comes to the kids naman, nandito lang po ako para sa mga anak ko, kaya nagpakatatag po ako sa ngayon para sa mga anak ko.

Pumasok kaya sa hiwalayan nila ang usapin ng pera? “Ahm may mga circumstances po kami na, may mga time po na ganyan po ang mga pinag-uusapan namin, kasi po buhay may asawa po ang usapan namin dito. Siyempre po iba po ‘yung… iba po ‘yung dati na talaga namang kami lang pong dalawa. Ngayon po, may mga anak kami, tapos po matagal po akong natigil sa industriya ng showbiz, so siya po talaga ang lahat na gumagastos para sa amin.”

Nasa ibang bansa ngayon si Paolo, paano kung pagbalik nito ay buo na talaga ang loob nito at hindi na ito makipagbalikan sa kanya, ano ang gagawin niya? “Kung buo na po ‘yung loob niya eh, wala po akong magagawa roon. Mahirap naman po na ipilit ko pa po ‘yung relasyon namin na hindi naman po masaya. Pero ang iniisip ko pa po ngayon is our kids, ‘yung mga bata po, ‘yun po talaga yung iniisip ko ngayon. Kasi naawa po ako sa mga anak ko. Kasi lumaki po ako na buo ang pamilya ko, hindi ko po alam kung paano ako magsisimula kung ganito po ‘yung mangyayari sa amin.”

Sa huli, inamin ni Lian na mahal na mahal pa niya ang asawa at nagpaabot pa siya ng mensahe rito. Aniya, “Para po kay Pao, babe, papa, mahal ko, sana po ano mag-isip ka nang maayos. Marami na tayong pinagdaanan, hindi madali ‘yung pinagsimulan natin, sobra-sobrang hirap nung lahat nang pinagdaanan natin. Alam ko na pinaglaban mo ‘yun, so huwag na-ting sayangin.”
Sure na ‘to
By Arniel Serato

ADVERTISING