Paulo Avelino, suwerte sa career at lovelife

ADVERTISING

Paulo Avelino, suwerte sa career at lovelife

Paulo Avelino
Paulo Avelino

Maganda ang working relationship nina Paulo Avelino, Angelica Panganiban, at Dingdong Dantes noong ginagawa nila ang pelikulang “The Unmarried Wife” ng Star Cinema sa direksyon ng magaling na si Maryo J. delos Reyes.

Si Pau at Dong ay nagkaroon na ng pinagsamahan or shall I say encounter nang sumali si Paulo sa isang talent search ng Kapuso Network, kung saan host si Dingdong at ka-batch ng aktor si Aljur Abrenica noon.

Malaki ang pasasalamat ng aktor sa kanyang “Kuya Dong”. Sabi ng aktor tungkol sa mister ni Marian Rivera, “I’ve always been looking up to Kuya Dong not just for his talent as an actor and his artistry and his passion for films he’s producing, but also as a role model para sa society natin. Palaging nandu’n at palaging hindi mawawala ang respeto ko kay Kuya Dong.”

On Angelica, nag-enjoy ang aktor with his co-star na isa sa mga “loka-loka”, babaeng bakla, at very straight forward nating artista sa kasalukuyan.

ADVERTISING

Off screen, vibes sila ni Angge. Tulad niya na tahimik din lang, ganu’n ang deskripsyon niya sa aktres.

Ayon sa aktor, palaging masaya sa set ng “The Unmarried Wife”, dahil si Angge, palagi raw kumakanta sa set kapag nagkasasabay sila ng shooting.

“Palagi siyang may dalang maraming baon,” kuwento ng aktor.

Happy at lucky si Pau sa mga blessings na dumarating sa kanya tulad halimbawa ng pelikula niya ngayon sa Star Cinema, na hopefully, pagkatapos ng promotion ng movie niya ay balik-telebisyon na rin siya.

Pasasalamat ng aktor, “I’m very blessed actually to work with two very good actors.”

Bukod sa kanyang showbiz career, may dapat ding ipasalamat si Pau dahil sa kanyang “special someone” na si Natasha Villaroman na naisulat na natin recently.

 

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING