Paulo Avelino, super sexy sa pagsisimula ng teleserye

ADVERTISING

Paulo Avelino, super sexy sa pagsisimula ng teleserye

Paulo-AvelinoANG LATEST promo strategy ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon ay ang imbitasyon ng publicity and promotion department ng Dreamscape Entertainment na mag-submit ang mga fans at supporters nina Paulo Avelino at Bea Alonzo ng personal video nila sa kanilang version on how to eat or taste a chocolate in a sexier way.

Sexy man o hindi ang mga eksena sa teleserye ni Paulo (but I disagree) I bet, magiging instant favorite ng mga beki at mga kababaihan ang leading man ni Bea sa seryeng ito na aabangan ng mga adult viewers.

Noong Lunes ng gabi, inabangan naming ang pilot episode ng telesreye. May kiliti ang karakter ni Bea na siya mismo at tensed sa kaguwapuhan at kaseksihan ng aktor sa kanyang mga eksena.

Sa katunayan, kapansin-pansin ang pagiging touchy ni Bea kay Paulo sa kanilang mga eksena. Kapag kaharap na ng aktres ang aktor, halos bukod sa mga binibitawang linya ni Bea, kasabay nu’n ay ang paghawak kay Paulo.

ADVERTISING

Super sexy si Pau sa opening salbo ng teleserye, lalo na ‘yong eksena niya sa kusina kung saan gumagawa siya ng chocolate na nagustuhan naman ng ama ni Bea na ito ang magbubukas ng magandang kapalaran para kay Paulo sa kanyang career bilang chocolatier na lingid sa kaalaman ni Bea ay tipong sina Paulo at Maricar Reyes pala ang siyang magkarelasyon.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING