Paulo Avelino sa relasyon niya kay KC Concepcion: We’ll see kung saan pupunta

ADVERTISING

Paulo Avelino sa relasyon niya kay KC Concepcion: We’ll see kung saan pupunta

Paulo-AvelinoNATUTUWA SI Paulo Avelino sa good reviews tungkol sa performance niya sa teleserye ng ABS-CBN na Sana Bukas Pa Ang Kahapon.  Nagagawa niyang sumabay sa galing ni Bea Alonso na siyang lead actress sa nasabing soap.

ADVERTISING

“Magaling naman talaga si Bea,” aniya. “At alam naman natin na hindi lang box-office hits ‘yong mga body of works na ginawa niya. Alam nating lahat na mahusay siyang artista. Sinuwerte ako na magkasama kami sa isang soap. And I’m very thankful din kay Bea na ayon… she considered me to be his leading man.”

Feeling ba niya made na nga siya ngayon hindi lang bilang isang mahusay na aktor kundi as a big star na rin?

“Hindi pa. Pakiramdam ko parang… you’ll never be complete as an actor. Dahil as an actor parang may hinahanap ka lagi. May gusto ka laging gawin. May bago ka laging gustong hanapin.”

ADVERTISING

Ano kaya kung si KC Concepcion naman ang sunod niyang maging leading lady?

“Okey lang. Let’s see kung may magagawa kaming project. Nagkasama na kami sa MMK three years ago. Well si Kristina (tawag niya kay KC), she’s very dedicated also to her craft. Aside from the fact that she’s really pretty and beautiful. And I think siguro the plus factor… parang she doesn’t just come with her looks but also with her talent.”

Simula nang ma-link sila ni KC, lagi ay may nakaabang kung ano ang susunod na level ng pagiging malapit nila sa isa’t isa. Nasaan na nga ba ang estado ng pagtitinginan nila?

“Sa ngayon we’re both busy with work. Mag-start na rin yata siya sa bagong show niya. Ako I’ve been doing so many things din. Pero…  we’ll see. We’ll see kung saan pupunta or kung ano ang mangyayari. As of now priority namin both ‘yong trabaho namin.”

Marami na ring lumabas na negative issues dulot ng pagkakaugnay ni KC sa kanya. Umabot pa sa punto na nagkaroon ng tsismis na buntis ito.

“Well sa trabaho naman namin hindi mo naman maiiwasan na maraming rumors talaga. Maraming gossip na lumalabas. Pero lumalabas din naman kung ano ang totoo at the end of the day. Kumbaga, wala namang katotohanan do’n sa mga negative na rumors about her so… ‘yon lang.”

Perfect wife material ba sa paningin niya si KC in the near future? Natawa at hindi agad nakasagot si Paulo.

“I mean kahit sino naman siguro, puwedeng maging perfect wife I think. Kahit sa anumang relasyon naman siguro, you can work things out. I  mean you can help each other to be perfect partners. Or work things out.”

Kumusta na si Aki na anak niya kay LJ Reyes?

“Okey naman. He just turned four.”

Ano ang nakikita niyang katangian niya na namana o nakuha nito?

“Siguro nakuha niya sa akin ‘yong hilig ko rin sa pelikula.  Minsan kapag nanonood ako, nakikinood siya. Tapos ang dami na rin niyang pinapanood na cartoons.”

What does Aki say whenever he sees him on TV?

“He says… daddy ko ‘yan! Nagugulat din siya!” tawa ulit ni Paulo.

What if gustuhin din ni Aki na mag-artista?

“Choice niya ‘yan, e. Pero siguro… mag-aaral muna siya ngayon. At kapag nasa tamang edad na siya, puwede na siyang magdesisyon para sa sarili niya.”

Kabilang si Paolo sa celebrities na nanood ng Edna sa special screening nito kamakailan sa Cultural Center of the Philippines last Thursday, August 7. First directorial job ito ni Ronnie Lazaro na artista rin sa nabanggit na indie film kung saan bida si Irma Adlawan.

“Isa si Tito Ron sa mga naging mentor ko. Nagkasama kami sa isang afternoon series before sa GMA. Tapos may ilan pang projects na pinagsamahan namin. Nagulat nga ako na may pelikula na siya. Masaya ako na director na rin siya.”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING