Paulo Avelino, puno ng kaelyahan

ADVERTISING

Paulo Avelino, puno ng kaelyahan

Paulo-AvelinoSUPER SEXY para sa amin si Paulo Avelino lalo na ‘yong last stretch ng promo ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon na magsisimula na mamayang gabi. In short, puno ng “libog” na magbibigay-pantasya sa target market ng aktor.

Sa mga publicity photos ng aktor, umaapaw ang kanyang sex appeal with his shirtless pose na tipong nang-aakit lalo pa’t habang kinakagat ang hawak-hawak nitong tsokolate.

Ang latest promo strategy ng teleserye na pumalit sa katatapos lang na The Legal Wife ay ang imbitasyon ng publicity and promotion department ng Dreamscape Entertainment na mag-submit ang fans at supporters nina Paulo at Bea Alonzo ng personal video nila sa kanilang version on how to eat or taste a chocolate in a sexier way.

Sexy man o hindi ang mga eksena sa teleserye ni Paulo (but I disagree), I bet, magiging instant favorite ng mga beki at kababaihan ang leading man ni Bea sa seryeng ito na aabangan ng adult viewers.

ADVERTISING

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING