Paulo Avelino, panggulo rin sa JaDine

ADVERTISING

Paulo Avelino, panggulo rin sa JaDine

Paulo-AvelinoAWARE SI Paulo Avelino na sobra ang kasikatan nina James Reid and Nadine Lustre lalo pa’t top rating ang kanilang teleseryeng On The Wings Of Love.

Papasok si Paulo sa OTWOL bilang advertising executive na magiging third wheel sa tambalang James and Nadine.

By this time, he acknowledged the fact na puwede siyang ma-bash ng JaDine fans.

“Hindi naman maiiwasan ‘yon. Minsan nadadala talaga tayo sa mga nakikita natin sa characters sa TV. Kahit naman ako kapag may napanonood akong show, kapag may sumisingit or kapag tingin mo ay may threat…” say ni Paulo when asked about possible bashing na matatanggap niya.

ADVERTISING

Dapat bang ma-threaten sa kanya si James?

“Abangan na lang natin. Ma-threat siguro si Lea at Clark bilang character sa show. Hindi naman ako nandoon para sirain ang pagkakaibigan nila,” he said.

“As we all know I am coming in half-way, medyo late na ako papasok. Kumbaga, it’s an honor for me to be considered na mapasama sa teleserye na ito. Working with the love team ay sobrang exciting. Nae-excite ako sa maibibigay kong bago sa show,” dagdag pa ng binata.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING