Paulo Avelino, nagmaldito na naman!

ADVERTISING

Paulo Avelino, nagmaldito na naman!

Paulo Avelino, nagmaldito na naman!PASAWAY! KUNG ako ang manager nitong si Paulo Avelino, maha-highblood ako sa mga pinaggagagawa niya.

Panibangong insidente ng pagmamaldito nitong si Paulo kamakailan sa isang staff ng isang showbiz-oriented talksow kamakailan.

Nu’ng dumalaw sila sa set, siyempre gusto ng staff na makakuha ng on-camera interview sa aktor (na flop naman ang pelikula with Lovi Poe at Jennylyn Mercado).

Ang lintik, nagmaldito nang kumustahin ang babaeng inanakan niya na si LJ Reyes at ang anak nila.

ADVERTISING

Para bang sukang-suka itong si Paulo na pag-usapan si LJ at ang tungkol sa anak nila, gayong alam naman ng showbiz at mga fans niya na ama siya sa pagkabinta.

Nagtataka lang ako kay Paulo kung bakit ganito ang attiude niya towards sa media. Ano’ng tingin niya sa sarili niya, diyos-diyosan na kung ano ang gusto at ayaw niya ay siyang masusunod?

Paulo Avelino, nagmaldito na naman!Ilang beses na rin namang nasubukan ang pag-uugali nitong si Paulo para masabi na hindi siya problema ng manager niya o kaya’y may problema siya towards his relationhip with the press.

Una, ‘yong presscon ng isang glossy magazines na nag-walk out siya at hindi nakisama para ma-interview ng press na dumalo sa naturang press conference.

Pangalawa, ang insidente na “nagmaldita” siya as one of the presentor sa Golden Screen Awards ng ENPRESS noon. At ang latest ay itong pagmamaktol niya sa isang on-cam interview na caught on tape na pasuplado at pabalang niyang sagot na tumatangi siyang pag-usapan ang babaeng inanakan niya at ang tungkol sa anak nila.

Kung ganitong ang palaging attitude niya sa media, baka dumating ang panahon na baka siya ayawan ng press na interbyuhin.

Ang malala pa, ang astang diktador ng lintik niyang RM o alalay na nagngangalang JJ Henson, na pina-delete ang portion ng negative or unfavorable statement niya about LJ at ang tungkol sa anak nila.

What if na sa next project nitong si Paulo at nasa isang presscon siya ay hindi siya iinterbyuhin o isusulat ng media? Tutal, deama siya sa press at ang press naman ang mang-deadma sa kanya?

Sa totoo lang, ang ganitong pag-aasta nitong ni Paulo, daig pa ang baklang nireregla at ang kasungitan ay hindi mo mabasa o baka naman isa siyang… ewan bahala ka na ngang “beki” ka!

 

SA MGA fans ng Guy at Pip, magbunyi na kayo dahil sa matagal na panahon, muling magbabalik ang tambalan nilang dalawa on television ngayon na halos tapos na ang commitment ni Nora sa indie film na Ang Kuwento ni Mabuti na malapit nang ipapalabas.

Sa naturang obra ni Mes de Guzman, straight Ilokano ang dialogue niya sa lahat ng eksena na kinunan mostly sa Aritao, Nueva Viscaya.

We’ve learned from the actress personally na gagawa sila ng ka-love team niya in the 70’s na si Tirso Cruz III ng telesine for TV5. Kung walang pagbabago ang title ng telesine na gagawin nila ni Pip ay When I Fall In Love.

For 2013, marami ang naka-line up na project kay Nora na hopefully ay suportahan ng mga tagahanga niya na natutulog sa mantika.

 

TAKOT SI Gabby Concepcion sa nauusong stem cell treatment.

Alam niya na puhunan nilang mga artista ang magandang physical features nila at lakas ng pangangatawan. Pero sa kabila ng mga testament about the positive effect ng stem cells, he prefers the right sleep and right food intake pare maging healthy siya.

Kung sa bagay, there is no short-cut to good health kundi mag-practice ng wastong pamumuhay.

 

KALOKA, IDEDEMANDA ni Gretchen Barretto ang kapatid na si Gia Baretto-Reyes na naka-based sa Boston, Massachusetts dahil sa word war nilang pamilya.

Basta ako, mayaman ka man, natutulog man sila sa malamig na air-conditioned rooms at ginagawang playground ang Bonifacio High Street, CHEAP pa rin ang pamilya nila, kahit bitbit man nila ang kanilang mga Gucci bags, suot ang Prada shoes at nakabihis man ng Versace!

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING