Paulo Avelino, nag-enjoy sa isang gay event

ADVERTISING

Paulo Avelino, nag-enjoy sa isang gay event

Paulo-AvelinoNAKATATAWA ANG reaksyon ng ibang mga tao sa social media nang mapabalita na umapir sa isang gay event si Paulo Avelino. Is Paulo gay? Is he bisexual? Ito agad ang tanong at isyu ng mga usyusero sa social media.

Nakatatawa nga ang reaksyon ng publiko ng makita ang aktor of the hit teleseryeng Sana Bukas Pa Ang Kahapon last weekend sa White Party in celebration of the Internationl Gay Pride.

Sabi nila, beki raw si Paulo, pero I doubt. Baka ang gustong itawag ay beki killer, kung saan ang daming nagpapantasya sa kaguwapuhan ng aktor. Sa mga sexy scene niya sa teleserye nila nina Bea Alonzo at Maricar Reyes, seksing-seksi siya, lalo na’t shirtless siya.

Hindi man daw ganu’n kasiksik ang katawan ng aktor na kung ang iba ay mabibilang mo ang mga pandesal (abs) sa kanilang mga torso, ang pagiging lean ni Paulo ang magic sa kanyang appeal sa kababaihan lalo na sa mga bading.

ADVERTISING

Yes, si Paulo, nag-enjoy sa beki event last Saturday, kung saan sinundan niya roon si KC Concepcion na natsi-tsismis na current of apple of his eyes. Kasama ni KC ang beki friends niya from the advertising world noong gabing ‘yun.

Ayaw man amain ng dalawa na there is “something” between” them, sige na nga, hayaan na lang natin sila na ilihim, itago sa publiko; lalo na sa media kung ano man relasyon meron sila.

Basta ang alam ko, bukod sa pagsunod ni Paulo kay KC sa New York noon, si KC naman, sumama sa aktor sa hometown nitong Baguio City. As I see it, basta masaya ang dalawa, keber na muna natin kung aminin man nila kung sila na nga ba or whatever.

Tutal ang mga artista naman, as usual, palaging nagde-deny. Kapag nahuli ni girl na kumakaliwa si boyfriend, mag-iiiyak, mag-e-emote at kung anu-anong pagsisintir ang gagawin kapag in-interview.

Sa naturang gay event pala, andu’n din sina Eugene Domingo at Marian Rivera (ang latest LGBT icon) na nagbigay-suporta sa mga beki sister nila.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING