Paulo Avelino, may misteryo ang pagiging tahimik

ADVERTISING

Paulo Avelino, may misteryo ang pagiging tahimik

Paulo-AvelinoNAGTATAKA LANG ako kung bakit hindi consistent si Paulo Avelino sa pagiging madaldal niya. Pansin kasi ni EJ Salut of Dreamscape Entertainment na ang laki na nang ipinagbago ni Pau since the teleseryeng Honesto hanggang ito ngang Sana Bukas Pa ang Kahapon na kapuna-puna na mas relax na ang aktor. Mas confident sa kanyang ginagawa kahit panakanaka ay pangitingiti lang kapag nahihiya or ayaw sagutin ang tanong mo.

ADVERTISING

Pero good vibes na si Pau kumpara noon na bago pa siya gumawa ng teleserye sa Dreamscpe Entertainment. Naging nega kasi for a time ang image niya noon sa media na may pagkamaldito. Pero natuto rin siguro sa ilang taon niya sa Kapamilya Network na umaalalay hindi lang sa karir niya kundi pati na rin kung papaano niya i-handle ang sarili sa harap ng press at publiko.

Ang pagiging tahimik ng aktor, ito yata ang kalawit niya sa babae, may misteryo. Maging ang kasamang si Bea Alonzo, hirap ding mapiga si Pau kapag mga personal (or shall I say lovelife) na niya ang inuurirat ng aktres.

Ngingiti-ngiti lang daw ito, kuwento ni Bea sa amin kamakailan. For almost 16 weeks, naging buddy-buddy sila ni Pau na sabi naman ng aktor tungkol sa aktres, “Asar-talo”, dahil sobra raw mang-asar ang dalaga sa kanyang tuwing taping breaks.

ADVERTISING

Naghihinayang nga sina Bea at Pau na magtatapos na sa darating na Biyernes (October 10) ang kanilang serye.

“Sana makagawa kami ng movie ni Pau in the near future,” kuwento ng aktres.

Sa huling limang gabi ng teleserye, pinag-usapan nang husto sa social network ang love scene ng dalawa na no one expected na makalulusot ito sa MTRCB dahil sa steaming hot ang eksena na the fact ang telebisyon ay pang-public viewing kahit sababihin man na self-regulated ang mga shows na napanonood ng publiko.

On the lighter side, back to Paulo’s pagiging tahimik, pakiwari ng parami, strategy na lang niya ito para iwas-pusoy na mapag-usapan sila ni KC Concepcion.

Okey, sabi ng aktor na, “We’re friends” lang silang dalawa and nothing romantic. Sige sakyan natin para manahimik ang media at ang mga miron na nag-uurirat. Pero ang totoo, sa likod ng deadma attitude ni Pau sa isyu sa kanila ni KC ay love nila ang isa’t isa.

Very private kasi ang aktor. Kapag personal life na niya ang tinatanong, ngigitian ka na lang niya para iwas-sabit. Iwas-pusoy na mabuko. Pero ang totoo, kahit i-deny man nilang dalawa ni KC na sila, sige na lang, sakyan na lang namin dahil doon sila masaya at para marahil maprotektahan ang privacy ng kanilang relasyon.

And on Bea’s front, simple pa rin ang pangarap ng aktres. “Ang mahalaga, happy kami ni Z (tawag niya kay Zanjoe Marudo), at love is always in our world,” pagmamalaki niya.

Kasalan isyu? Waley. Wang balak sina Bea at Zanjoe na makipagsabayan sa mga celebrities na nagpo-propose at magpapakasal.

“Not in the near future. Ang dami pa naming gustong gawin at mangyari sa mga buhay namin at mga commitment sa mga mahal namin sa buhay, at nagkakasundo kami ni Z sa bagay na ito,” kuwento pa ng aktres.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING