Paulo Avelino & Maja Salvador: Hot & Brewing Romance to Watch!

ADVERTISING

Maja-Salvador-Paulo-AvelinoPAULO AVELINO
Real Name: Michael Paulo Lingbanan Avelino
Birthdate: May 13, 1988
Zodiac Sign: Taurus

MAJA SALVADOR
Real Name: Maja Ross Andres Salvador
Birthdate: October 5, 1988
Zodiac Sign: Libra

ISA SA biggest surprise ng Primetime Bida ngayon ay ang pagpatok ng tambalan nina Paulo Avelino at Maja Salvador bilang Carlos at Mia sa Bridges of Love. Originally, hindi ang ex-Kapuso star ang choice for the role (hello JLC and Xian!). We’re so pleased na napunta ang toughie but sweetie role kay Papa Pau.
Si Jericho Rosales din talaga ang mas nakalalamang sa billing as the senior star, pero the fans are now rooting for Mia and Carlos to be together. KAPE pa more!
Sakto, parehong kabe-break lang sa kani-kaniyang dyowa ang dalawang drama stars! Break na nang aminin ni Paulo on national TV ang pagkakaroon nila ng relasyon ni KC Concepcion, while Maja is still trying to move on from her highly publicized failed relationship with Gerald Anderson.
Given these real-life situations, there’s a chance na mag-brew ang real-life romance between Paulo and Maja! May chance nga ba talaga?
Hangga’t maaari, ayaw ng dalawang zodiac ng away. Gusto nila, smooth sailing lang ang relasyon. Ang hangarin nila na magkaroon ng tahimik na pagsasama ang magbubuklod sa kanila. Pero wait, hindi ibig sabihin niyon ay magiging swabe forever ang relasyon nila, ha? Ang pagiging outgoing ng Libra ay kontra sa pagiging homebody ng Taurus.
Matigas ang ulo ng Taurus at sinusunod lang nito kung ano ang gusto niya. Ito ay maaaring ikairita ng Libra. May ways naman ang Libra na kontrolin ang Taurus para sumang-ayon ito sa kanya. Parehong mahilig sa magagarang bagay at very romantic, dapat lalong palaguin ng Taurus at Libra ang kanilang strong points.
For sure na may initial attraction sa pagitan ng lalaking Taurus at babaeng Libra, pero isang malaking question mark pa rin kung pang-habang-buhay ang kanilang pagsasama. Ang pagiging sensitive ng Taurus ang makaa-attract sa Libra thinking na may depth ang kapares. Meanwhile, ang pagiging lakwatsera at mahilig sa pagho-hohol with big groups of friends ng babaeng Libra ay puwede ikaselos ng lalaking Taurus.
Well… mukhang may similarities sa characters nila sa Bridges of Love bilang Mia and Carlos, ‘noh? Sa tamang timpla, magiging couple to watch din ang versatile stars na ‘to! KAPE PA MORE!Paulo Avelino & Maja Salvador: Hot & Brewing Romance to Watch!

ADVERTISING