Paulo Avelino, mabilis mapaniwala ni Angelica Panganiban

ADVERTISING

Paulo Avelino, mabilis mapaniwala ni Angelica Panganiban

Paulo Avelino and Angelica Panganiban
Paulo Avelino and Angelica Panganiban

Kung noon ay contestant lang si Paulo Avelino ng “Starstruck” na si Dingdong Dantes ang host, ngayon ay pareho na sila ng level bilang leading men ni Angelia Panganiban sa pelikulang “The Unmarried Wife” ng Star Cinema na showing on November 16.

“I’ve always been looking up to Kuya Dong not just for his talent as an actor and his artistry and his passion for films he’s producing but also as a role model para sa society natin.

“Palaging nandu’n at palaging hindi mawawala ang respeto ko kay Kuya Dong,” sambit ni Paulo.

First time din ni Paulo to work with Angelica at nag-enjoy rin daw siyang katrabaho ang aktres.

ADVERTISING

“Nag-e-enjoy akong kasama si Angelica kahit off screen. Kasi, ‘yun nga, parang minsan, tahimik lang siya. Minsan, parang ako ‘yung nape-pressure na mag-isip ng topic para mapag-usapan namin, eh,” natatawa niyang sabi.

“It’s so nice to work with someone na kaharap mo pa lang, tinitingnan mo pa lang, nadadala ka na, napaniniwala ka na. At siyempre, gandang-ganda ka na rin. Napaniniwala ka agad sa gustong sabihin ng karakter niya sa eksena.

“So, I’m very blessed actually to work with two very good actors,” he said.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING