Paulo Avelino, impressive sa pelikulang ‘Kasal’

ADVERTISING

Paulo Avelino, impressive sa pelikulang 'Kasal'

Paulo Avelino, impressive sa pelikulang 'Kasal'
Paulo Avelino

NASA 2nd week na ng pelikulang Kasal ng Star Cinema sa direksyon ni Ruel Bayani nang mapanood ko ang obra.

Bida sina Bea Alonzo, Derek Ramsay at Paulo Avelino na tumatalakay sa sitwasyon ng dalawang karakter na ikakasal na at pinaghimasukan ng karakter ni Derek na gusto sirain ang pagmamahalan at pangarap nina Bea at Paulo.

Sa totoo lang, we love the karakter of Pau na habang nagtatagal ay lalong gumagaling lalo pa’t nabibigyan siya ng tamang project na pwede niya ipakita ang talent niya sa pag-arte.          

We love Pau sa interpretasyon niya sa karakter niya na in the middle of the movie ay madidiskubre ng manonood ang pinakamalaki rason or twist para mawindang ang mundo niya as a promising Mayor ng lungsod nila at ang relasyon nila ni Bea na mahal na mahal niya.

ADVERTISING

I pity Pau sa karakter niya. I hate Derek sa ipinakita niya na pakiwari ko’y “evil” at makasarili sa kuwento.

Si Bea, palagi naman magaling sa mga ginagampanan niya. Ang ganda ng aktres kahit umiiyak siya pero revelation si Paulo sa amin lalo na ang kanyang mga eksena sa last part ng pelikula kung saan after ng kaguluhan ay nagusap sila ng masinsinan ng kanyang future wife.

Paulo Avelino, impressive sa pelikulang 'Kasal'
Paulo Avelino

Recently ko lang nalaman na si Pau, kasama pala sa isang afternoon serye ng Kapamilya Network na Asintado. I just don’t know kung ano ang standing (rating game) ng pelikula na sinasabi ay malapit na mawala sa ere.

Basta ako, napabilib muli ni Pau sa galing niya and hoping to see him often sa pelikula na magpapamalas lalo ng kagalingan niya.

Congrats Pau.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING