Paulo Avelino, girlfriend na si Natasha Villaroman?

ADVERTISING

Paulo Avelino, girlfriend na si Natasha Villaroman?

Paulo Avelino and Natasha Villaroman
Paulo Avelino and Natasha Villaroman

Tatahi-tahimik lang si Paulo Avelino. Ganu’n naman yata ang aktor. Pangiti-ngiti lang.

Pero on his way out sa presscon venue ng pelikula niyang “The Unmarried Wife” ng Star Cinema, nasukol siya ng ilang press na binuntuntan siya para kumuha ng detalye about the “girl” na regular niyang nakade-date recently at natsitsimis sa kanya as his girlfriend.

After KC Concepcion (yes, naging sila), at matapos na matsimis naman kay Maja Salvador, tila naging mailap ang aktor pagdating sa kanyang lovelife.

Ewan ko lang kung may lovelife ba talaga na dahil sa kawalan ay wala naman maisi-share si Paulo sa press.

ADVERTISING

Pero aminado ang aktor na may ganap sa lovelife niya. “Yeah, I’m currently dating. But I won’t give any specifics,” natatawang sabi niya.

Tila nambibitin sa nag-iinterbyu sa kanya na gusto pang pahulaan sa amin kung sino man ang masuwerteng babae ba sinasabing regular ka-date niya at “apple of his eye” sa kasalukuyan.

From a source, may nag-DM sa aming Instagram account tungkol sa magandang dalaga na masuwerteng idini-date ng aktor.

Ang girl ay si Natasha Villaroman na mula sa political clan ng mga Ecleo. Ang dalaga ay dating vice-governor ng Dinagat Island sa may bandang Surigao sa Mindanao.

Short message sa amin ng aming source about Paulo’s girl, si Natasha ay 23 years old at isang part-time commercial model at nagtapos sa La Salle.

May ilang photos sina Paolo at Natasha na naging viral na sa social media na patunay lang na ang dalaga ang siyang itinatangi ngayon ng aktor.

Kabilang na rito ay ang bakasyon ng dalawa kamakailan sa expensive resort in Palawan na Amanpulo.

Meaning, wala na sa “ligawan stage” sina Paulo at Natasha para sumama ang dalaga sa aktor. In short, ang konklusyon ng mga miron, sina Paulo at Natasha ay magkarelasyon na.

By the way, sa pelikulang “The Unmarried Wife”, makasaasama niya sina Angelica Panganiban at Dingdong Dantes. Paulo plays the role of Bryan na a shoulder to cry on ni Angelica na kinaliwa ng kanyang asawa played by Dingdong. Showing na sa November 16 ang pelikula.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING