Paulo Avelino, dumipensa sa isyung buntis si KC Concepcion

ADVERTISING

Paulo Avelino, dumipensa sa isyung buntis si KC Concepcion

Paulo-AvelinoAS A true gentleman, nang pumutok ang balita na diumano’y buntis si KC Concepcion, agad-agad at walang pasubali ay nag-react si Paulo Avelino.

In defense of KC, pinasinungalingan ni Paulo ang balita. “Its not true,” bangit ng aktor.

KC who is based in the US at the moment ay very active sa kanyang lifestyle as a sports-minded lady na hind nga naman iisipin na preggy ang anak ni Megastar Sharon Cuneta.

Sayang nga lang at tila naudlot ang supposed to be ‘relationship’ ng aktor sa dalaga kahit sabihin man na nagpursige si Paulo na manligaw at manuyo sa dalaga.

ADVERTISING

Sa katunayan, dumayo pa ng New York si Paulo para makasama lang si KC but because of the distance (which I think hindi effective para kay Paulo ang long distance affair) minabuti niya na ihinto na lang ang panliligaw sa dalaga.

Sabi ng isang malapi sa aktor, “Mahirap nga naman na ang relasyon n’yo sa text, sa chat at tawag lang made-develop. Kung may pagkakataon na muling maging close ang dalawa, malamang ipu-pursue ni Pau ang sa kanila ni KC.”

Kung sabagay hindi naman nagmamadali si Paulo na mapasagot agad ang dalaga. The fact na busy naman siya sa kanyang career with an upcoming new teleserye from ABS-CBN’s Dreamscape Entertainment with Bea Alonzo in Sana Bukas Pa ang Kahapon na magsisimula this month, kakainin ang panahon ni Pau ng halos daily taping ng show.

But his ex-girlfriend na si LJ Reyes na ina ng anak niyang si Aki has good words for Pau. Isang responsible father ang aktor sa kanyang anak. Sabi nga ni LJ sa isang recent interview, kapag may time ang aktor ay sinusundo nito ang anak para mag-malling sila at mag-weekend gimmick.

Mabuti nga very open na si Paulo sa sarili. Dati-rati kasi, misunderstood siya at nagsusungit kapag tinatanong ng press about his son but after his exposure in the teleserye Honesto with child star Raikko Mateo, mas naging matured si Pau at mas naintindihan niya ang kanyang sitwasyon.

With such positive signs sa mga konting pagbabago kay Paulo, oks sa amin ito dahil slowly but surely nakikilala ng press ang aktor kung ano man siya behind his front na tahimik at hindi palakibo.

Basta happy at walang kumplikasyon, go nang go.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING