Paulo Avelino & Bea Alonzo: Sweeter Than Chocolate!

Bea-Alonzo-Paulo-AvelinoPAULO AVELINO
Real Name: Michael Paulo Lingbanan Avelino
Birthdate: May 13, 1988
Zodiac Sign: Taurus

BEA ALONZO
Real Name: Phylbert Angellie Ranollo Fagestrom
Birthdate: October 17, 1987
Zodiac Sign: Libra

ILANG BUWAN na ring namamalaga sa primetime block ng ABS-CBN ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon. Ito ay pinagbibidahan ni Bea Alonzo, na matagal-tagal ding nawala sa teleserye scene. Paulo Avelino was tapped as her leading man in this project, which is a first.

In all fairness naman, swak ang dalawa pagdating sa drama at ilang kilig scenes. Pinaka-memorable ‘ata sa viewers ang pilot episode, kung saan naka-topless si Paulo habang gumagawa ng tsokolate. Patikim!

Bea Alonzo is in a serious relationship with Zanjoe Marudo while Paulo Avelino is exclusively dating KC Concepcion. Kung wala ‘yung dalawa, may pag-asa kaya?

Hangga’t maaari, ayaw ng dalawang zodiac ang conflict. Gusto nila, swabe lang ang lahat. Ang hangarin nila na magkaroon ng tahimik na relasyon ang bubuklod sa kanila. Pero wait, hindi ibig sabihin nu’n ay magiging smooth-sailing forever ang relasyon nila, ha? Ang pagiging outgoing ng Libra ay kontra sa pagiging homebody ng Taurus.

Matigas ang ulo ng Taurus at sinusunod lang nito kung ano ang gusto niya. Ito ay maaaring ikairita ng Libra. May ways naman ang Libra na kontrolin ang Taurus para sumang-ayon ito sa kanya. Parehong mahilig sa magagarang bagay at very romantic, dapat lalong palaguin ng Taurus at Libra ang kanilang strong points.

For sure na may initial attraction sa pagitan ng lalaking Taurus at babaeng Libra, pero isang malaking question mark pa rin kung panghabang-buhay ang kanilang pagsasama. Ang pagiging sensitive ng Taurus ang makaa-attract sa Libra thinking na may depth ang kapares. Meanwhile, ang pagiging lakwatsera at mahilig sa paghu-hook with big groups of friends ng babaeng Libre ay puwedeng ikaselos ng lalaking Taurus.

Hmmm… para palang box of chocolates ang Paulo-Bea kung maging offscreen couple sila – full of surprises!

Pares-Pares

By Madam Damin

Previous articleKidlat Tahimik: Father of Philippine Independent Cinema
Next articleUAAP ‘77 Final Four Cast, Buo na!

No posts to display