Paulo Avelino, basted kay KC Concepcion

ADVERTISING

Paulo Avelino, basted kay KC Concepcion

KC-Concepcion-Paulo-AvelinoKUNG PABOR nga ang magulang ni KC Concepcion na si Paulo Avelino ang maging boyfriend ng actress, ‘di naman pabor ang dalaga nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na magka-boyfriend ngayon.

Ayon kasi kay KC nang makausap ng ilang press sa katatapos na 27th PMPC Star Awards for TV, wala pa raw sa isip niya ang magka-boyfriend, matapos ang break-up nito kay Piolo Pascual.

Wala naman daw masasabing hindi maganda si KC kay Paulo. Mabait naman daw ang actor, pero hindi pa raw siya handang makipagrelasyon sa ngayon.

So, tigilan na ang pagpupumilit ng ilan diyan na nagkakamabutihan ang dalawa dahil mismong si KC na ang nagsabi na mabait si Paulo, pero wala pa sa isip ang magka-boyfriend.

ADVERTISING

Samantalang sobrang saya ang nadama ni KC nang tanggapin ang karangalan bilang Best Supporting Actress sa katatapos na Star Award na ginanap sa AFP Theater last Sunday.

Pinasalamatan niya ang kanyang mga magulang at ang ABS CBN na nagbigay sa kanya ng role na kung saan nailabas niya ang kanyang husay sa pag-arte.

 

Paulo-Avelino-KC-ConcepcionHINDI DIRETSAHANG sinagot ni Luis Manzano ang pagtatanong sa kanya ng ilang press nang ma-corner siya sa PMPC Star Award for TV sa backstage ng AFP Theater tungkol sa balitang pag-iiwasan nila ni Jennylyn Mercado pagkatapos nilang maghiwalay.

Mas gugustuhin na lang daw niyang manahimik kaysa magbigay pa ng pahayag sa nasabing balitang nag-iiwasan. Mabibigyan lang daw ng ibang kahulugan ang anumang sasabihin niya.

“Anything I would say, even sa industry na ito, you may say the nicest thing about someone, mahahanapan ka pa rin ng mali ng mga makitid ang utak,” say ni Luis.

Pero malaki pa rin ang paniwala ni Luis na magiging magkaibigan sila ni Jen pagdating ng tamang panahon.

Right now, masaya raw siya sa kanyang career at personal life at magandang reward nga raw sa kanyang pinagdaanang problema ang pagkakapanalo niya bilang Best Game Show Host para sa Deal or No Deal sa katatapos na PMPC Star Award for TV.

Ito na lang daw ang karangalan na wala pa siya bilang host kaya fulfilling sa kanya ang natanggap na award.

Hindi naman ipinagdamot ni Luis sa ilang press na kausap na ibulgar na plano na niyang magpakasal next year.

Ang problema lang, mukhang hindi raw siya nakatakdang magkaroon ng sariling pamilya.

“I’m 32 years old. Sana, sana. I don’t wanna say… sana lang talaga. In fact, a friend told me just today (last Sunday), nag-message sa akin na parang, hindi ka ba nalulungkot na hindi ka pa kasal? And I even said, my next one would be the last one,” say na lang ni Luis.

 

HINDI MAKAPANIWALA si Arjo Atayde sa suwerteng dumarating sa kanya magmula nang pasukin niya ang pag-aartista.

Noon una raw, tutol ang ama na mag-artitista siya at magsumikap na lang maging isang matagumpay na negosyante.

Pero sadyang nasa dugo na ni Arjo ang showbiz dahil isang magaling na actress ang kanyang ina na si Sylvia Sanchez na all-out sa pagsuporta sa anak na binata.

Kaya nang mapagtanto raw ng ama ni Arjo na talagang hilig nito ang pag-aartista, pinayagan na rin siya at hindi naman siya nagkamali dahil kahit baguhan pa lang ay nagkasunud-sunod na ang karangalang nakamit.

Binigyan kaagad siya ng project ng ABS-CBN at lalong naipamalas ang acting nang mapasama sa Dugong Buhay, kung saan siya lalong napansin at nagkamit ng karangalan bilang Best Supporting Actor sa 27th PMPC Star Award for TV.

Ngayon daw, proud na proud ang daddy niya sa kanyang tagumpay at super support na rin ito, not like before na tutol na tutol sa pag-aartista niya.

Ask namin si Arjo na mas naungusan pa niya ngayon ang ina sa kasikatang tinatamasa.

“Hindi naman po. Ang aking ina ang aking iniidolo at sa kanya ako humuhugot ng lakas para pagbutihan ang pinasok kong career. Sila ni daddy ang aking inspirasyon,” say ni Arjo.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING