Paulo Angeles, sunud-sunod ang trabaho sa Dos

ADVERTISING

Paulo Angeles, sunud-sunod ang trabaho sa Dos

Paulo Angeles
Paulo Angeles

Lubos-lubos daw ang pasasalamat ng guwapong member ng Hashtag na regular na napanonood sa “It’s Showtime” na si Paulo Angeles, dahil sa sunud-sunod na proyektong ginagawa niya sa Kapamilya Network.
Bukod nga sa Monday to Saturday itong napanonood sa “It’s Showtime”, kasama ang kanyang grupong Hashtag, kasama rin ito sa pelikulang “Just The 3 Of Us” na pinagbibidahan nina John Lloyd Cruz at Jennylyn Mercado.
Dream come true nga raw para kay Paulo ang makasama ang idolo nitong si John Lloyd na ayon dito ay magaling at natural pa, katulad din ng kapartner ni John Lloyd sa movie na si Jennylyn na magaling, maganda, at mabait daw.

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING