Paulit-ulit na tinitira ang pagiging ‘retokada’
Kim Chiu, uminit na ang ulo sa social media!

ADVERTISING

<i>Paulit-ulit na tinitira ang pagiging ‘retokada’</i><br>Kim Chiu, uminit na ang ulo sa social media!

<i>Paulit-ulit na tinitira ang pagiging ‘retokada’</i><br>Kim Chiu, uminit na ang ulo sa social media!

OLA CHIKKA now na! Oh no, oh yes… now na! More chikka, more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka!

Talaga namang hindi na naman kinakaya ng powers ko. Nagulantang na naman ako sa Earth dahil ayaw talagang paawat ni Marian Rivera. Umalis na siya sa kanyang manager at take note mukhang lilipat sa mismong naka-discover sa kanya na si Tony Tuviera, ang big boss ng Triple A, na president and CEO din ng TAPE Inc., ang producer ng Eat Bulaga.

Sa mga afternoon soaps ng TAPE, Inc. gaya ng Kung Mamahalin Mo Lang Ako, Agawin Mo Man Ang Lahat at Pinakamamahal unang nabigyan ng break si Marian.

ADVERTISING

Ano ito, ‘te? Dahil may mga isyu ngayon na lumalabas na para magawa na raw niya ang gusto niya. Kaloka! Anong klaseng gusto naman ang gagawin niya, ‘di ba?

Hindi rin ito nagpapaawat nang bonggang-bonnga sa pagiging meldy at taklesa, ‘di kaya na dahilan ng hindi nila pagkakasundo? Kaloka!

Siyempre ang sabi naman sa kanya ng kanyang boyfriend na si Dingdong Dantes ay suportado lang niya si Marian na kung ano ang gusto niyang gawin, ‘di ba?

At siyempre, in the first place, ang question diyan eh, bakit ngayon lang niya naisipang bumalik sa sinasabi nga niya na kung saan siya nanggaling, ‘di ba? Dapat una pa lang, naisip na niya ‘yun. Ngayon lang niya naisip kung kailan meron na siyang sariling manager at talagang may pinagsamahan sila for 7 years.

<i>Paulit-ulit na tinitira ang pagiging ‘retokada’</i><br>Kim Chiu, uminit na ang ulo sa social media!Pero chikka nga ng manager niya before, kung yan ang desisyon niya, go lang daw.

 

UMINIT ANG ulo ng bagong primetime queen na si Kim Chiu sa isang social media na nagsabing retokada ang kanyang dibdib at ilong, at paulit-ulit na rin itong ibinabato sa kanya.

Sa mga hindi nakakaalam, paulit-ulit na rin itong sinagot ni Kim na hindi siya nagparetoke, lalo na ang kanyang ilong na nu’ng una siyang pumasok sa PBB house ay iba ang hugis nito kaysa sa ngayon.

Kung natatandaan n’yo, noon pa lang ay na-blind item or na-chikka ko na rin ito noon na talagang mukhang nagpagdag nga nag-boobs itong si Kim, dahil may nag-chikka sa aking parazzi girl na talagang nagpadagdag nga ito ng boobelya.

Kaloka naman, ‘te! Sa palagay ko, mukhang kailangan naman talaga niya sigurong gawin ‘yun dahil sobrang payat niya as in. Talagang mukhang walang hinaharap. Siyempre bilang artista, kailangang perfect ang beauty mo.

At ang ilong nga nitong si Kim ay mukhang retokada rin. Kahit naman sino, ‘di nila aaminin na retokada sila, ‘di ba? Lalo na sa mga artista, perfect ang peg nila lagi, lalo na pagdating sa kanilang beauty. Kaloka!

 

BLIND ITEM: Sino itong actress na ito na talaga namang ayaw magpaawat? Nakakaloka dahil ‘pag tingnan mo sa TV ay akala mo kung sinong virginity… hahaha!

Kasi naman, ‘te, sobrang wild at kati raw nitong actress na ito na matatawag mo o masasabi mong adik na raw ito sa keme or toooooottt. Kaya pala siguro hindi ito maiwan-iwan ng bago niyang ka-affair at siya rin ang pinili.

Uy, take note, sa sobrang kaadikan daw nito ay ‘pag walang-wala na raw ay dumating sa point na sariling sikap na itey. Kaloka naman, ‘te! Sinech kaya itey? Clue pa ba? Hahaha!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING