Paulit-ulit na lang kasi ang isyu Cristine Reyes, tinarayan ang isang showbiz reporter!

ADVERTISING

Paulit-ulit na lang kasi ang isyu Cristine Reyes, tinarayan ang isang showbiz reporter!

Paulit-ulit na lang kasi ang isyu Cristine Reyes, tinarayan ang isang showbiz reporter!

ADVERTISING

TILA NAGIGING MASUNGIT daw lately sa ilang press people si Cristine Reyes. Kamakailan kasi, may tinarayan daw ang seksing aktres na grupo ng reporter na nag-interview sa kanya sa ta-ping ng Reputasyon.

Co-star ng dalaga sa nasabing serye si Aiko Melendez na minsang nakaaway ng kapatid niyang si Ara Mina na nakarelasyon ng ex-husband ng una na si Jomari Yllana. Siyempre pa, hindi maiwasang matanong si Cristine kung kumusta ang pagsasama nila sa trabaho ni Aiko.

Kahit kasi humupa na ang isyu sa pagitan nina Ara at Aiko, hindi pa rin nakakapag-ayos ang dalawa. Sa mahabang panahon, hindi pa nagku-krus ang landas ng mga ito para magkaroon ng chance na magkita face to face at makapag-usap.

ADVERTISING

Nairita raw si Cristine sa tanong about Aiko. At buong katarayan umano siyang nagdayalog ng “Paulit-ulit… paulit-ulit!  Natanong na ‘yan sa presscon, ngayon itinatanong na naman. Paulit-ulit… paulit-ulit!”

Eh, ang reporter na nagtanong sa kanya no’n, wala naman daw sa presscon na tinutukoy ni Cristine. So, why take it against the reporter daw nga kung matanong siya tungkol kay Aiko?

Baka naman wala sa mood si Cristine no’ng time na ini-interview siya kaya siya nakapag-maasim sa mga reporter. Baka pagod o masama ang pakiramdam kaya medyo irritable. At least, tumalak lang siya sa reporter dahil sa kinaiinisang paulit-ulit na naitatanong sa kanya.

Tao rin lang naman kasi ang mga artista na may karapatang mainis at maging vocal kapag sobrang naiirita na.

In fairness!

 

BLIND ITEM: KAPAG movie reporter ka, hindi maiiwasang maka-experience o maka-witness ka ng pagtataray o pagmamaasim ng mga artista kapag hindi gusto ang naitatanong sa kanila. The worst that we have witnessed ay ‘yong kamalditahang ginawa ng isang sikat na aktres na very controversial no’ng kainitan ng career niya.

Group interview iyon after ng airing ng isang Sunday musical variety show kung saan kabilang sa mga regular hosts ang aktres. Ang daming maiinit na isyung kinasasangkutan ng aktres kaya walang patid ang mga maiintrigang tanong na walang kiyeme naman niyang sinasagot nang buong ningning.

Hanggang naloka ang aktres nang isa sa mga kasama naming reporter ang nagkamaling magtanong ng lumang isyu na about her. Walang abug-abog, biglang kinatok ng aktres ang bumbunan ng medyo may edad at nakakalbo nang reporter.

“Hello!” sabi ng aktres, kasunod ng tatlong beses na pagkatok sa bumbunan ng reporter. “Sa’n ka ba galing at lumang isyu ang itinatanong mo sa akin?”

Shocked kaming lahat sa ginawa ng aktres. ‘Yong reporter na kinatok niya sa bumbunan, hindi na rin naka-react at natulala na lang.

Kilalang gimikera ang aktres na ito. Hanggang ngayon, mahilig siyang gumawa ng mga eksenang siguradong mapag-uusapan siya nang husto.

Pinakahuli ay ‘yong kontrobersiyal na pagwu-walk out niya dahil merong nag-interview sa kanya na hindi niya gusto ang naging tanong sa kanya. Na-headline iyon hindi lang TV news kundi maging sa mga diyaryo.

Kung tawagin nga siya – La Primera Emotera.

Ganyan?

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING