Paulit-ulit na gimik?
Lovi Poe, naisahan na naman daw sa sex scene!

ADVERTISING

<i>Paulit-ulit na gimik?</i><br>Lovi Poe, naisahan na naman daw sa sex scene!<i>Paulit-ulit na gimik?</i><br>Lovi Poe, naisahan na naman daw sa sex scene!LOVI POE is yakking again.

She felt violated daw kasi in her latest movie. Hindi niya kinaya ang ipinagawa sa kanyang eksena sa pelikula nila ni Ahron Villena.

May isang sex scene kasi ang dalaga na siya ang napakaagresibo at lahat yata ng position ay ginawa niya. Having done that, ang feeling niya ay naisahan siya ng kanyang director na si Joel Lamangan.

Why do we have a feeling na palaging iniisip ni Lovi na naba-violate siya. Paulit-ulit ang kanyang aria at nakaSasawa na talaga.

The last time she cried foul was when she did a love scene with Benjamin Alves in Guni-Guni. PiNatungan kasi niya si Benjamin sa love scenes nila while the actor was only wearing his brief.

ADVERTISING

Sobrang nag-worry si Lovi sa nasabing eksena kaya naman she wanted to see how the movie will be edited. Talagang sumakit ang ulo ng kanyang manager na si Leo Dominguez dahil kinulit niya ito para sabihan ang editor ng movie na she wanted to see how the film will be edited.

Sabi sa isang interview, na-surprise ang director ni Lovi na si Joel nang malaman niyang nagrereklamo ang dalaga na na-violate siya.

Parang gumigimik itong si Lovi palagi kapag may malapit na siyang ipalabas na movie. Ang nakakaloka, she is singing the same tune – na na-violate siya.

Kung ayaw mong ma-violate ang iyong pagkababae, then stop doing movies and tell your sentiments sa iyong director mismo.

 

<i>Paulit-ulit na gimik?</i><br>Lovi Poe, naisahan na naman daw sa sex scene!GENEVA CRUZ doused any possibility na may balikang mangyayari between ex-couple Sunshine Cruz and Cesar Montano.

“I think she’s on her way to freedom,” Geneva said in an interview.

Having said that  patungkol sa estado ng kanyang pinsan, hindi na nga possible na magkaroon pa ng reconciliation ang dating couple.

Actually, all sympathies were with Sunshine. Mas marami kasi ang kampi sa kanya sa social networking sites. Although there were still a few who were hoping that they reconcile, the actress is adamant in her decision to separate from the actor.

 

CRUSH NI Bryan Termulo si Sarah Geronimo.

Ito ang mismong inamin ni Bryan during his presscon for Bryan Termulo XXV, his solo concert at the Music Museum scheduled on March 9, 8 p.m.

Natanong si Bryan kung ano ang reaction niya’t tila palaging sawi sa pag-ibig ang kanyang crush. Dind’t he wish na sana ay siya na lang ang ang naging boyfriend nito?

“Iniisip ko nga rin minsan ‘yon pero pabiro na lang,” he said, adding, “Pero jokes are half-meant, eh.”

Grabe pala ang crush ni Bryan kay Sarah. He collects her CDs, watch her shows at pati guesting ng dalaga ay inaabangan din niya.

“Every time na makikita ko siya sa TV (ay) nae-excite ako. Kahapon bago ako matulog ay inabangan ko talaga ang interview niya sa Bandila. ‘Sarah Geronimo may bagong soap, magiging host ng ganito.’ Hinintay ko talaga ‘yung full interview noon, eh, bago ako matulog. Anything about Sarah ay pinapanood ko, eh,” sabi niya.

He wants to know Sarah better at ang tingin niya ay mangyayari ito “’pag dumating ‘yung time na magkaroon kami ng isa pang prod together”.

“Doon ko siya makikilala nang husto talaga. Hindi ko naman siya popormahan. Gusto ko lang malaman ‘yung hobby niya, kung ano ang hilig niya sa buhay. Gusto ko talaga siyang makilala. Kung tatanungin ako kung gusto ko siyang makilala, yes. Gusto ko siyang makilala. Gusto kong malaman ‘yung likes niya. Gusto ko siyang kilalanin at saka lahat ng taong nasa paligid niya.”

 

NAG-TEXT DAW itong si Baron Geisler kay Derek Ram-

say para mag-sorry for his shenanigans.

Gumawa pala ng eksena itong si Baron sa taping ng Kidlat at inaway raw ang sidekick ni Derek sa serye na si Jerald Napoles.

Lasing na naman daw itong Baron when he did that at mabuti na lang at naawat sila ng mga tao na nasa set.

At para hindi na maulit ang kanilang gulo ay pinauwi na lang daw si Baron. Alam kasi ng production na posible pang maulit iyon kung ang isa sa kanila ay hindi aalis.

Ano ba itong si Baron, parang hindi na nadala. At saka bakit naman ina-allow ng Singko na may artista silang lasing habang nasa set?

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING