Pauline Mendoza bida na sa ‘Babawiin Ko Ang Lahat’

NAAALALA niyo ba si Pauline Mendoza? Kung napanood niyo noon ang top-rating drama series na ‘Kambal Karibal’ kung saan bida si Bianca Umali at napansin ang galing ni Kyline Alcantara sa pag-arte, siguradong hindi rin nakaligtas sa iyong paningin si Pauline Mendoza, ang kambal na multong punong-puno ng hinanakit sa programa.

Pauline Mendoza bida na sa 'Babawiin Ko Ang Lahat'
Pauline Mendoza

Kung pagkatapos ng Kambal Karibal ay nagbida na sa kanya-kanyang solo series sina Bianca at Kyline, sa wakas ay dumating na rin ang right opportunity para sa blooming Kapuso actress na si Pauline Mendoza.

Tuloy-tuloy na ang paglunsad sa dalaga bilang isang teleserye leading lady sa bagong afternoon prime series ng GMA-7 na ‘Babawiin Ko ang Lahat’.

Makikilala na natin simula ngayong Lunes si Iris Salvador, isang unica hija na magugulo ang buhay dahil sa dating pamilya ng kanyang ama. Ayon sa interviews sa ibang cast members ng programa, interesting ang bagong handog ng GMA Afternoon Prime dahil lahat ng characters ay may mga kuwentong makakarelate ang mga manonood.

 

Excited na kami na mapanood ang transition ni Pauline Mendoza bilang isang ganap na teleserye lead actress.

Suportado si Pauline Mendoza nina John Estrada, Carmina Villaroel, Neil Ryan Sese, Therese Malvar, Kristopher Martin, Manolo Pedrosa, Liezel Lopez, Dave Bornea, Jeff Pangan, Jenine Desiderio, Gio Alvarez at ang nagbabalik-Kapuso na si Tanya Garcia-Lapid.

Ang ‘Babawiin Ko Ang Lahat’ ang papalit sa timeslot ng katatapos lang na ‘Primadonnas’.