Pauleen Luna, todo-effort para mapalapit sa mga anak ni Vic Sotto

ADVERTISING

Pauleen Luna, todo-effort para mapalapit sa mga anak ni Vic Sotto

Pauleen-LunaMUKHANG NAGBUBUNGA na paunti-unti ang pagtitiyaga at effort ni Pauleen Luna para mapalapit at makuha ang loob ng mga anak ng boyfriend na si Vic Sotto. Nu’ng nakarang April 28 nga, kasama ang mga anak ng komedyante ay nag-organisa sila ng surprise birthday party para sa kasintahan na sobra-sobra namang na-appreciate daw ng komedyante.

ADVERTISING

Ang nakakabilib kay Pauleen, alam at tanggap nito kung saan siya nakalugar sa tatlong taon na relasyon nila ni Vic. Siya pa pala minsan ang nagpapaalala rito na magkaroon ng oras para sa mga anak at sabihin madalas sa mga ito kung gaano niya ito kamahal.

Sa isyu naman na sinabi ni Danica Sotto, panganay na anak ni Vic, na masyado pang maaga para masabi niyang isang potential wife si Pauleen, nagbigay-pahayag naman ang aktres na ngayon pa lang sila nagiging close uli ni Danica, kung kaya’t alam niya kung saan ang pinanggalingan nito.

Natutuwa nga siya kay Danica dahil napaka-warm nito sa kanya, lagi siyang kinakausap at pinaparamdam nito sa kanya na puwede siyang magsabi ng kahit na ano tungkol dito.

ADVERTISING

Kung sa kasalan na ba mauuwi ang lahat, panahon na lang ang makakapagsabi lalo’t para kina Vic at Pauleen ay hindi hadlang ang laki ng agwat para sa mga taong nagmamahalan.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING