Pauleen Luna, sobra nang ‘assuming’ sa kasal nila ni Vic Sotto?

ADVERTISING

Pauleen Luna, sobra nang ‘assuming’ sa kasal nila ni Vic Sotto?

Pauleen-Luna-Vic-SottoPATI ‘YUNG pagbakasyon sa Boracay ni Vic Sotto kasama ang mga anak niya ay inintriga pa kay Pauleen Luna. Bakit daw hindi siya kasama?

ADVERTISING

Hindi isyu kay Pauleen ‘yun no! Sabi nga niya, dapat naman daw talaga na mag-bonding din silang mag-anak, at hindi raw siya dapat kasama dun.

Siya pa nga raw ang nag-ayos ng booking nila pa-Boracay at natuwa raw siya dahil nagkaroon sila ng panahong magsama.

Ang dinig ko naman, doon na raw kinausap ni Vic ang mga anak kung ano ang plano nila ni Pauleen. Ayaw naman ni Pauleen magkomento riyan dahil hindi naman daw niya alam.

ADVERTISING

Basta ang alam ko lang, may plano na talaga sila at baka itutuloy na nila this year. Pero ayaw pang magkuwento ni Pauleen, dahil siyempre, wala pa namang proposal. Baka nga naman sobra lang siyang nag-assume, ‘di ba?

Sa ngayon ay todo work muna si Pauleen dahil kung matuloy man ang pagpapakasal nila ni Vic, malamang na bawas na ‘yan sa trabaho.

I’m sure kung si Vic ang masusunod, tiyak na ayaw na niyang pagtrabahuhin ‘yan. Pero si Pauleen kasi, hindi sanay na walang ginagawa, kaya tiyak na magtatrabaho pa rin ‘yan.

Titigil na siguro ‘yan sa pagtrabaho kung mabubuntis siya. Sana nga matuloy na ‘yan this year, ‘no!

Kabilang pala si Pauleen sa The Rich Man’s Daughter na magsisimula na sa May 11.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING