Pauleen Luna, sabik sa kasal ni Vic Sotto

ADVERTISING

Pauleen Luna, sabik sa kasal ni Vic Sotto

Pauleen-LunaHALATANG SABIK na sabik na si Pauleen Luna na pakasalan siya ni Vic Sotto.

ADVERTISING

Hindi na nahiya si Pauleen and she articulated na talagang gusto na niyang mag-settle down kay Bossing Vic. Problem is, mukhang ayaw naman siyang pakasalan ng komedyante.

“Kung sa gusto, gusto na. Pero kasi hindi naman ako mapilit na tao, eh. I mean, if it’s not clear at this moment, okay lang naman. We’re very happy naman. Hindi naman po ako nagmamadali,” say ni Pauleen.

Kabalintunaan iyong statement niyang iyon, ha? Hindi raw siya nagmamadali, pero siya na rin ang nagsabing gusto na niyang magpakasal. How ironic, right?

ADVERTISING

“Masaya naman kami, e. Kung hindi kami masaya then du’n magkakaproblema. But we’re very happy and ‘yun lang muna ngayon,” dagdag pa ng dalaga.

Talaga lang, ha?!

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING