Pauleen Luna, naghihintay lang sa marriage proposal ni Vic Sotto

Pauleen Luna, naghihintay lang sa marriage proposal ni Vic Sotto

Pauleen-LunaTATLO AT kalahating taon na pala ang relasyon nina Pauleen Luna at Bossing Vic Sotto kaya naman napag-uusapan na rin nila ang tungkol sa pagpapakasal. Pauleen is patiently waiting kung kelan magpo-propose sa kanya si Vic.

“Hindi naman kasi ako mapilit, I just take things as they are. I just let things unfold. Pero so far, okey naman, one day at a time,” pahayag ni Pauleen sa presscon ng The Rich Man’s Daughter.

Ipinagmalaki rin ni Pauleen na talagang imposible nang mabuwag ang relasyon nila ni Bossing Vic.

“Sobrang solid na ng relationship namin, three and a half years na kami kaya unshakeable na ‘yung relasyon namin,” sey pa niya.

Anong klaseng wedding ba ang gusto niya?

“I don’t hope for the grandest things in life,” kaswal niyang pahayag. “Ako naman, eh, simple lang… Ang gusto ko lang ay mangyari siya (kasalan).

“Simple lang kasi kaming dalawa. We’re a very simple couple. I might say na hindi kami ‘yung flashy, hindi talaga… Basta ang gusto ko lang ay mangyari siya,” say pa ni Pauleen.

La Boka
by Leo Bukas