Pauleen Luna, mailap pa rin sa isyu nila ni Vic Sotto!

ADVERTISING

Pauleen Luna, mailap pa rin sa isyu nila ni Vic Sotto!

Pauleen Luna, mailap pa rin sa isyu nila ni Vic Sotto!KAHIT ALAGA ko na si Pauleen Luna, mailap pa rin talaga at iniiwasang pag-usapan ang tungkol sa kanila ni Vic Sotto.

Sa story conference ng bagong programa nito sa GMA-7, wala talaga siyang sinasabi tungkol sa kanila ni Bossing kahit halata namang may something na sila, huh!

Nang kinuyog na ito ng mga reporters sa story conference ng Bongga Ka, ‘Tay! Maingat pa rin ang mga sagot nito kapag si Bossing Vic na ang pinag-usapan. Sabi na lang niya, gusto na lang daw sana niyang maging pribado ang sa personal niyang isyu.

Siyempre, may pinag-usapan naman kami ng alaga ko tungkol sa lovelife niya, pero hindi pa nga puwedeng isulat.

ADVERTISING

Buti nga at meron siyang bagong programa ngayon para hindi na lang sa Eat Bulaga siya lagi.

May pinapayo naman ako sa kanya, na ewan ko kung susundin niya. Pero mukhang happy naman siya, kaya hinahayaan ko na lang siya.

Malaki nga ang ipinayat niya ngayon dahil sa sakit niya. May mga cyst pala siya sa ovary na nadamay raw ang hormones niya.

Hindi ko naman makuwento nang mabuti ang ini-explain niya sa akin pero safe naman daw siya, at hindi raw puwedeng operahan dahil baka madamay pa ang iba. Kaya dinadaan na lang muna nila sa gamot.

 

SI OGIE Alcasid pala ang bida dito sa Bongga Ka, ‘Tay na bagong telefantasya ng GMA-7 na papalit sa Alice Bungisngis.

Madalas pala ay naka-girl siya rito na mala-Mrs. Doubtfire ang look.

Sabi nga ni Ogie, minsan nalilito na raw siya sa sarili pag-uwi ng bahay. Kasi iba rin ang look niya sa Boy Pick-Up, meron pa siyang ginagawang IdoBidooBidoo at may Bubble Gang pa siya at ‘yung bagong talk show nila ni Michael V na Pare and Pare.

Bago magsimula si Ogie sa kanyang bagong telefantasya, tatapusin daw muna niya ang Boy Pick-Up.          

Naikuwento ni Ogie na may mga dream battles pa raw sila sa pick-up lines na sana pumayag daw itong mga iimbitahan nilang guests.

Balak ba naman nilang pagtapatin sa pick-apan sina Annabelle Rama at Amalia Fuentes o Nadia Montenegro. Pero hindi nila sure kung kakayanin ba ‘yun.

Pauleen Luna, mailap pa rin sa isyu nila ni Vic Sotto!

Meron pa silang balak na pagtapatin din, sina Arnold Clavio at ang Azkals, pero ewan ko lang kung matutuloy ‘yan.

Gusto raw sana ganu’n ka-explosives para naiiba sa mga napapanood sa TV.

Kasama pala rito ni Ogie sina Solenn Heussaff at ang buong grupo ng Pickapista na kasamahan niya sa Bubble Gang.

Mabuti’t pumayag nga raw si Boss Vic del Rosario na ipahiram si Sam Pinto na mas kilalang Neneng B sa Boy Pick-up.

 

NAPAG-USAPAN NA rin lang pala si Sam Pinto, naikuwento pala ng seksing aktres na parang cool-off daw muna sila ngayon ng non-showbiz boyfriend niyang isang surfer.

Wala na raw kasi silang time sa isa’t isa dahil sa dami ng ginagawa niya. Hindi raw sila nagkikita.

Mas na-miss pa yata niya ngayong mag-surfing kesa makita ang surfer boyfriend niya.

Mabuting focus na lang daw muna siya sa trabaho kesa sa lovelife. Makapaghihintay naman daw ‘yun kung talagang pursigido ito sa kanya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING