Pauleen Luna, lucky charm ni Vic Sotto sa MMFFF

Pauleen Luna, lucky charm ni Vic Sotto sa MMFFF

Vic-Sotto-Pauleen-LunaINAMIN NI Vic Sotto sa presscon ng My Big Bossing na palabas sa Metro Manila Film Festival on Dec. 25 na may hatid na suwerte si Pauleen sa kanyang mga pelikulang kasali sa filmfest, kaya palagi niya itong isinasama kahit maliit lang ang role.
“Kulang sa box-office eh ‘pag wala siya. Kumbaga, kulang sa suwerte. Siya ang lucky charm ko, napansin ko ‘yon, eh,” pag-amin ni Bossing.
Okey naman kay Pauleen kahit pa cameo role lang ang part niya sa mga pelikula ni Vic.
“Support-support lang ‘pag may time. Dapat ganu’n naman, ‘di ba?” reaksyon niya.
Itinanggi rin ni Pauleen na binibigyan siya ng VIP treatment ng boyfriend kapag nagsisyuting sila ng pelikula. “‘Yung atensyon niya sa akin special talaga, pero sa set, walang VIP treatment, pantay-pantay lang kaming lahat.”
Tatlong episodes ang bumubuo sa My Big Bossing. Ito ay ang Sirena, Taktak and Prinsesa. Sa Sirena, kasama ni Vic sina Pauleen, Ryzza Mae Dizon, Manilyn Reynes at Wally Bayola under the direction of Tony Reyes.
Sa Taktak episode, kasama naman nina Vic at Ryzza sina Marian Rivera at Jose Manalo. Si Marlon Rivera naman ang direktor nito.
Sa huling episode na Prinsesa, si Niño Muhlach at ang anak nitong si Alonzo Muhlach at Nikki Gil naman ang makakasama nila ni Ryzza Mae. This is under the direction naman of Bb. Joyce Bernal.

La Boka
by Leo Bukas