Pauleen Luna, handa nang magpakasal kay Vic Sotto

ADVERTISING

Pauleen Luna, handa nang magpakasal kay Vic Sotto

Vic-Sotto-Pauleen-LunaNGAYONG ARAW na magsisimula ang bagong afternoon drama ng GMA 7 na The Borrowed Wife.

Mapapanood daw ito pagkatapos ng Magkano Ang Pag-ibig ni Heart Evangelista.

Naku sabi ko nga kay Pauleen, bonggahan na niya riyan sa The Borrowed Wife at baka ang susunod ay Vic’s wife na siya, ‘no!

Nakikita ko naman diyan sa alaga ko na nakahanda na siyang magpakasal kaya hinihintay na lang yata ang proposal ni Bossing Vic.

ADVERTISING

In fairness naman kay Bossing Vic Sotto, sa kanya daw manggagaling ang announcement. Kaya hintayin na lang daw. Hindi naman daw nila itatago ‘yun ni Pauleen.

Sabi nga niya sa Startalk, kasama raw tayo sa paghigop ng mainit na sabaw! Hay, naku! Sana nga tuloy na ‘yan talaga.

Pero sana bago naman siya magpakasal, mabigyan naman siya ng GMA 7 na siya talaga ang bida, ‘no!

Maganda naman ang exposure niya rito sa The Borrowed Wife, pero iba pa rin talaga na meron na siyang project na masasabing kanya, ‘di ba? ‘Yun na lang ang hinihintay namin, para bongga na!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING