Pauleen Luna, gusto nang magka-baby

ADVERTISING

Pauleen Luna, gusto nang magka-baby

Pauleen-LunaEWAN KO kung naghahanda na maging nanay ‘yang alaga kong si Pauleen Luna.

ADVERTISING

Sobrang close pala ‘yan kay Ryzza Mae Dizon na lagi raw niyang kasama.

Kuwento ni Vic Sotto sa Startalk, mas close daw si Ryzza Mae kay Pauleen kesa sa kanya, dahil matiyagang nag-aalaga ‘yan sa bagets.

Nu’ng Linggo nga nagpahatid daw si Ryza Mae sa bahay nina Pauleen para mag-swimming doon.

ADVERTISING

Kasama nila sina Ruby Rodriguez at anak nito, at pati si Sef Cadayona na kasama sa pelikulang My Big Bossing, at sa sitcom na Vampire Ang Daddy Ko.

Handa na raw kasi talaga si Pauleen na magka-baby dahil mahilig talaga siya sa mga bata. Kaya close na close siya kay Ryzza Mae.

Kaya kung yayain ‘yan ni Bossing Vic na magpakasal, tiyak na tatanggapin ‘yan ni Pauleen.

Mukhang gusto na rin naman ni Pauleen na magpakasal at magsimula nang magkapamilya.

Abangan na lang next year ang announcement nila. Malakas ang feeling kong next year na ‘yang kasalan nila. Pero ayaw lang nilang pinag-uusapan pa ‘yan. Tahimik lang sila, pero malamang na pinag-uusapan na ‘yan at may plano sila.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING