Pauleen Luna, feel maging tomboy

Pauleen Luna, feel maging tomboy

Pauleen-LunaKINAINGGITAN PALA ni Pauleen Luna ang mga kasamahan niyang female actress sa The Rich Man’s Daugther na sina Rhian Ramos, Chynna Ortaleza, Katrina Halili, at Glaiza de Castro dahil mga lesbian role ang gagampanan ng mga ito.

Ayon kay Pauleen, sana raw ay lesbian role din ang ibinigay at ipinagkatiwala sa kanya para maiba naman daw ang ginagampanan niya sa isang teleserye.

“Kasi ang mga role ko pare-pareho na lang parati. Gusto ko, maiba naman para natsa-challenge ako. Siguro kung gagawin pa nila akong tomboy sa serye ay wala nang lalabas na straight na babae sa teleserye namin,” tsika ni Pauleen.

When asked kung naligawan or napormahan na siya ng isang tomboy?

“Never pa akong nakaranas na ligawan or pormahan ng isang tibo. May mga kaibigan ako mga tibo, pero wala naman nagtangkang manligaw,” say pa ni Pauleen.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo