Pauleen Luna, ‘di pa rin sigurado kay Vic Sotto?

ADVERTISING

Pauleen Luna, ‘di pa rin sigurado kay Vic Sotto?

Pauleen-Luna-Vic-SottoILANG TAON na rin naman ang relasyon nina Pauleen Luna at Vic Sotto, pero marami pa rin talaga ang nagdududa kung ang magandang aktres na nga ang magiging huling babae sa buhay ng sikat na komedyante. Si Pauleen, bilang alaga ni Manay Lolit Solis ay para na niya talagang tunay na anak kung pagmalasakitan. Kapag pumapasyal kami sa studio ng Startalk sa GMA-7, laging napapabuntong-hininga at tumataas na lang ang mga kilay ni Manay kapag may nagtatanong sa kanya kung pakakasalan kaya ni Vic ang kanyang alaga?

Kahit naman siguro hindi mapakasalan ni Vic si Pauleen, okey na rin naman kung ang magiging kapalaran niya sa nasabing relasyon ay katulad ng naging karanasan ni Zsa-Zsa Padilla sa yumaong Comedy King na si Mang Dolphy, dahil ang Divine Diva ang naging huling babae sa buhay ni Mang Pidol. Mabait na tao si Pauleen, at baka mapag-iwanan siya kung magtatagal ang paghihintay na hindi siya mapakasalan ng daddy niya Danica at Oyo Sotto.

Magkasama sina Pauleen at Vic sa programang Eat… Bulaga! ng Siyete, pero dapat kabahan si Pauleen, na baka habang naghihintay siyang pakasalan ni Vic ay may dumating na baguhang kasing ganda ni Jasmine Curtis-Smith sa EB at malaman na lang niya na iyon na pala ang bagong nililigawan ni Bossing. Ano ba? Hindi lumalayo si Vic sa paghahanap ng maliligawan. Sa EB pa lang ay nakararami na siya ng naligawan at nakarelasyon. Kaya dobleng ingat dapat, Pauleen, huh? Alam mo na.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING