Pauleen Luna, dapat nang totohanin ni Vic Sotto

ADVERTISING

Pauleen Luna, dapat nang totohanin ni Vic Sotto

Vic-Sotto-Pauleen-LUnaNAG-IINGAY RAW itong si Angela Luz na nanay ng isang anak ni Vic Sotto na si Pauleena Luna.

Nagalit daw ito nang makita sa Instagram ang picture ng anak niya na kuha sa birthday party ni Vic Sotto na kasama rin si Pauleen Luna.

Kung anu-ano raw ang mga sinabi sa Instagram account niya na sinagot yata ng mga fans ni Pauleen at na-bash daw ito ng ibang followers niya.

Pero hindi raw nagpaawat si Angela, sinagot daw niya lahat ang mga bashers nito. Pero bandang huli binura rin niya at nanahimik na yata siya.

ADVERTISING

Sinubukan nga ng Startalk na pa-react si Pauleen, pero ayaw na niyang magsalita. Sabi niya, malaki pa rin daw ang respeto niya sa mga ito kaya tahimik na lang daw siya.

Kahit nga ang ibang anak ni Vic gaya ni Danica, ayaw na ring magsalita tungkol diyan.

Siyempre involved din si Paulina, kaya mabuting quite na lang, ‘di ba?

Ewan ko ba, bakit galit na galit si Angela sa relasyon nina Vic at Pauleen eh, wala naman siyang kinalaman diyan.

Hindi pa ba siya naka-move on sa kanila ni Vic? Hoping pa ba siyang magkabalikan sila ni Vic?

Hay, naku! Kawawa rin naman ang alaga kong ‘yan. Ang dami naman niyang pinagdaanan sa pakikipagrelasyon niya kay Vic.

Kaya sana nga totohanin na siya ni Bossing, at sana nga matuloy na rin ang sinasabing kasal na hinihintay ng lahat.

Ang dami pa namang nagsasabing wala raw mapupuntahan ang relasyong ‘yan kaya dapat na patunayan nilang dalawa na mali ‘yun.

Sabi naman ni Bossing Vic nang na-interview ito ng Startalk, tingin naman daw niya, roon mapupunta ‘yan. Naghihintay lang daw sila sa kung ano ang gusto ng Diyos. Kung ‘yun daw talaga ang fate mo, darating sa ‘yo ‘yan.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING