Pauleen Luna at Dennis Trillo, magdyowa na!

Pauleen Luna at Dennis Trillo, magdyowa na! It’s confirmed. Magdyowa na nga sina Pauleen Luna at Dennis Trillo.

Tiyak na marami sa inyo ang na-shock, no? True ang tsismis, mga kafatid at bago-bago pa lang naman ang kanilang relasyones, as in barely a month pa lang.

Say ng chikadora naming friend, Irog daw ang tawagan ngayon nina Papa Dennis at Pauleen.

Bakit Irog? ‘Yun daw kasi ang tawagan ng dalawa sa kanilang show sa Siyete, ang Adik Sa ‘Yo. Minsan nga raw, nagkamali si Allan K at tinawag niyang Irog si Pauleen habang nagte-text sa Eat Bulaga. Siyempre, laking gulat ng dalaga. Ayun, buking na buking na daw ngayon sa Eat Bulaga family na magdyowa na nga sina Pauleen at Dennis.

I’m sure, shocking Asia ito para kay Cristine Reyes, the ex of Papa Dennis. O baka naman alam na niya or may hint na siya bago siya hiniwalayan ng actor.

We’re saying this dahil sa not-so-friendly gesture ni Cristine kay Pauleen when they saw each other sa FHM event recently. Parang wala raw na-sight ang younger sister ni Ara Mina kahit na they’re just an arm away lang. Inisnab daw talaga ng FHM Sexiest Pinay ang pobreng aktres.

Anyway, maging kami man ay nagulat nang may magtsika sa aming magdyowa na ang dalawa. But later, when we realize na inamin nga sa amin ni Pauleen na may crush siya kay Dennis sa Adik Sa ‘Yo presscon, naisip namin, baka iyon na pala ang hint sa private life ngayon ni Pauleen.

I remember, when I asked her kung hindi sagabal ang pagiging binatang ama ni Dennis, very positive ang kanyang sagot ng dalaga, hindi. Tanggap niya ang pagiging father ng kanyang co-star.

Nag-split na sina Cristine at Dennis noong May. For good na ang kanilang separation, say ng actor.

Well, talagang for good na dahil may Pauleen na si Dennis. As for Cristine, hindi pa rin yata ito nakakakita ng kapalit ng actor.

WALANG KIYEME, HINDI na ma-reach ngayon ang beauty ni Eugene Domingo.

Aba, may launching movie na siya courtesy of Papa P, Piolo Pascual, gagah! Bidang-bida na siya sa Kimmy-Dora, isang comedy na malapit nang ipalabas.

With that, all over ang beauty ni Eugene at maging sa TV interviews ay nagpapakuwel siya, parang her way of saying na magaling siyang comedienne.

Well, okay lang ‘yan, Eugene.

Ang hindi okay ay ang narinig naming nagpapabayad ka na raw ngayon sa mga interviews mo. True ba itetch?

Say ng ever reliable naming source, ten kiyaw (P10,000) daw ang asking price ng hitad kapag may gustong mag-interview nang live sa kanya sa telebisyon. At hindi rin daw siya free for any VTR interview.  Five thou daw ang fee niya for any VTR interview kahit pa ito para sa kaibigan niya.

Eugene, ‘wag mo kaming kyemehin, sumagot ka kung trulili bang-bang ang tsikang ito about you! Now na!

Type palang gayahin ni Rochelle Pangilinan ang hindi pagkibo ni Maricar Reyes tungkol sa kinasangkutang sex video with Dr. Hayden Kho.

When asked kung ano ang gagawin niya kung siya ang nasa posisyon ni  Maricar, sinabi ni Rochelle na hindi na lang siya kikibo (eh, sino naman ang hihipo? Joke!)

Siguro po, kung ako ‘yon, hindi lang din po ako kikibo, mananahimik na lamang po ako. Gano’n po kasi ako,” say ng dalaga na bidang-bida na naman sa Daisy Siete Season 23 entitled Chacha Muchacha.

Nang tanungin rin ang dalaga kung carry na niyang layasan ang Sex Bomb Dancers, in-admit naman ng dancer-singer na hindi pa niya kaya. Aminado naman siyang nahirapan siya nang pansamantala siyang bigyan ng solo career ng kanyang manager na si Joy Cancio.

“Hindi ko pa kaya,” pag-amin ni Rochelle. « At saka, masa masaya po pag marami. Hinahanap-hanap ko po ‘yong ingay at gulo kapag nasa dressing room. Iba po talaga kapag marami kayo,” dagdag ng frontliner ng Sex Bomb.

Medyo natawa kami nang sabihin ni Rochelle na minsan ay siya ang nagbabayad ng chit nila ng kanyang ka-date. Nasa-shy kasi siya kung palaging ang ka-date ang taya sa kinain nila.

ni Alex Brosas
Lex Chika!