Paul Soriano at Toni Gonzaga, kinalakal ang kanilang kasal?

Paul Soriano at Toni Gonzaga, kinalakal ang kanilang kasal?

Toni-Gonzaga- Paul-SorianoISANG KASALAN with a price tag. Ito ang komento karamihan sa social media sa kasal na nina Toni Gonzaga at ang boyfriend na si Direk Paul Soriano.

Nagtataka lang kasi ang mga netizens, maging ang mg showbiz na nag-i-isip (hindi lahat ay nauungoy nila); kung anong drama na may eklat na may personal note pa si Toni sa mga binigyan niya ng wedding invitation nila na huwag ipagsabi ang totoong date ng kanilang kasal.

“Ano ang feeling niya, kasalang Sharon Cuneta-Gabby Concepcion ang ganap nila last Friday?” sambit ng isang showbiz reporter na katsika namin.

Sa Instagram, may mga natuwa dahil at long last ang hinihintay-hintay na kasalan ay natupad na rin. Sa post ni @beksgerlyn_23 sa kayang IG Account, “E di kung tutoo na waley dyug sila ni Direk Paul at sacred para sa kanila ang sex, ngayong gabi magaganap ang basagan. Ha…ha… ha…”

Basta ang analysis ko, kinalakal nina Toni at Paul ang kasal nila na akala ko ay gusto nila maging private. Kamuka’t mukat mo, the following night after ng kasal nila ay isang TV Special naman ang ipinalabas sa Kapamilya Network sa naganap na kasalan. How much kaya ang TV rights na binayaran ng ABS-CBN sa dalawa?

Reyted K
By RK VillaCorta