Paul Salas at Klea Pineda tampok sa ‘Regal Studio Presents: Monaylisa and Me’

THIS SUNDAY, magtatambal sa kauna-unahang pagkakataon ang Starstruck graduates na sina Paul Salas at Klea Pineda sa bagong episode ng Regal Studio Presents na pinamagatang ‘Monaylisa and Me‘.

Ito ay kuwento ni Jolo, isang successful businessman who is living a good life. Or so he thought. Malalaman niya na may taning na ang kanyang buhay dahil sa cancer. Dahil dito ay napagdesisyunan niya na gumawa ng mabuti sa mga taong nasaktan niya in the past.

Paul Salas at Klea Pineda tampok sa 'Regal Studio Presents: Monaylisa and Me'
Paul Salas and Klea Pineda

Muli niyang makikilala ang high school classmate niya na si Monet, na lagi niyang binu-bully nood at tinatawag na ‘Monaylisa’ dahil sa biluging mukha. Si Monet ay isang biyudang baker/painter who is trying to make ends meet. Susubukan niyang bumawi kay Monet – but will love get in the way?

Sa mga hindi nakakaalam, bago pa naging hunk leading man si Paul Salas ay naging parte ito ng Starstruck Kids noong 2004. Hindi man pinalad na manalo, naging visible pa rin ito sa iba’t ibang Kapuso shows dahil na rin sa kanyang charm at kakyutan. Nang siya ay maging teenager ay lumipat ito sa ABS-CBN at noong 2018 ay nagbalik-Kapuso.

Si Klea Pineda naman ang Ultimate Female Survivor ng Starstruck 6 noong 2016. Nagbida na rin ito sa ilang Kapuso shows tulad ng Encantadia, Ika-5 Utos, Magkaagaw at ang katatapos lang na Stories From The Heart: Never Say Goodbye.

 

Kahit na sa magkaibang batch sila ng Starstruck nanggaling, hindi maikakaila na pareho silang nahubog at tumagal sa showbiz. Kasali rin sa episode ang singer and now actor na si Anthony Rosaldo.

Panoorin ang Regal Studio Presents: Monaylisa and Me ngayong Sunday, 4:35PM sa GMA pagkatapos ng Dear Uge.