Paul Salas at Kate Valdez magtatambal sa Regal Studio Presents: Open Minded

MAGTATAMBAL ang Kapuso stars na sina Paul Salas at Kate Valdez sa opening salvo ng forth season ng ating paboritong Sunday feel-good anthology show na Regal Studio Presents sa episode na pinamagatang ‘Open-Minded‘.

Paul Salas at Kate Valdez magtatambal sa Regal Studio Presents: Open Minded
Kate Valdez and Paul Salas

Gaganap si Kate Valdez bilang Mona, isang college student na maeenganyo na mag-invest sa isang multi-level marketing company. Kahit na sa una ay hesitant ito na gamitin ang tuition fee niya bilang paunang bayad, gagawin pa rin niya ito dahil nadala siya sa sales and sweet talk ng guwapong si Gino, na ginagampanan naman ni Paul Salas.

Laking gulat na lang ni Mona nang malaman niya na nagsara na ang kumpanyang kanyang pinag-investan! Mababawi pa kaya niya ang pera kay Gino? Mapagkakatiwalaan pa ba niya ang binata? Feelings na ba ang sunod niyang i-invest?

 

‘Yan ang kuwentong handog ng Regal Studio Presents ngayong Sunday at 4:35pm. Parehong naka-dalawang episode na sa Regal Studio Presents sina Paul at Kate, pero first time nila magtambal para sa isang episode.

Katambal ni Paul Salas si Klea Pineda sa ‘Monaylisa and Me’ habang sina Kate Valdez at Yasser Marta naman ang bida sa ‘Ex Marks the Heart’. Magwowork kaya ang tambalang Paul at Kate? Panoorin natin!

Previous articleJK Labajo at Maureen Wroblewitz hiwalay na
Next articleVLOG WATCH: Kathryn Bernardo’s Thailand Getaway with Daniel Padilla ft. Alora Sasam