Patutsada ni Barbie Imperial kay AJ Raval: ‘Gusto mo maging kabit, eh hindi ka nga gusto ng boyfriend ko!’

HINDI nagpaawat ang sexy actress na si Barbie Imperial sa panayam sa kanya ni Boy Abunda patungkol sa mga intrigang nakapalibot sa relasyon nila ng boyfriend na si Diego Loyzaga at ang pagkakadawit ng controversial actress na si AJ Raval sa isyu.

Patutsada ni Barbie Imperial kay AJ Raval: ‘Gusto mo maging kabit, eh hindi ka nga gusto ng boyfriend ko!'
Barbie Imperial and AJ Raval

Nagkatrabaho sina Diego Loyzaga at AJ Raval sa sexy-thriller film na ‘Death of a Girlfriend’ ngayong taon at hindi maipagkakaila na mainit ang kanilang mga love scenes. Noong kasagsagan ng promo para sa pelikula ay hindi naman na-link ang dalawa dahil alam naman ng madlang pipol na si Barbie Imperial ang girlfriend ni Diego habang ka-relasyon naman ni AJ Raval noon ang aktor na si Axel Torres, na close friend din ni Barbie.

Sa self-confessed ‘marites’ na si Xian Gaza ang unang naglabas ng blind item na diumano’y may showbiz couple na nag-away sa isang hotel room na naging sanhi ng pagkakasira ng kuwarto nito. Eventually ay ibinunyag nito na sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial ang tinutumbok niya at ang pagbisita umano ni Diego sa bahay nina AJ Raval sa Pampanga ang sanhi ng kanilang pisikal na pagtatalo.

“Noong una, gigil na gigil ako, gusto ko hanapin ‘yung number niya,” sambit ni Barbie patungkol kay Xian. “Pero, pinag-pray ko lang ‘yung tao na ‘yun. Alam ko kasi na iyon ang gusto niyang mangyari, so hindi ko iyon ibibigay sa kaniya.”

“‘Yung akin, alam namin ni Diego na wala kaming ginagawang masama. Masaya kami, happy kami na magkasama. Bakit pa namin pagtutuunan ng pansin ‘yung tao na naninira sa amin?

“Noong una, nakaka-stress siya, pero noong nag-usap kami ni Diego, sabi namin, hindi namin hahayaan na ‘yung isang tao na ‘yung ang sisira,”

Patutsada ni Barbie Imperial kay AJ Raval: ‘Gusto mo maging kabit, eh hindi ka nga gusto ng boyfriend ko!'
Diego Loyzaga and Barbie Imperial

Kalaunan ay nabanggit na rin ni Barbie ang pangalan ni AJ.

“Kilala ko si Diego. Kilala ko siya. Lahat ng binibintang sa kaniya, na nambababae siya, na pinupuntahan niya si AJ Raval sa Pampanga, hindi totoo ‘yun. Hindi totoo,” aniya.

“Kung kaya ko lang sabihin live kung bakit alam ko na hindi totoo, sasabihin ko, pero ayoko naman na kasi na mangsira ng ibang babae. Pero alam ko na hindi totoo,”

“Mararamdaman mo ‘yun, e, kapag nagloloko sa ‘yo ang tao,” walang preno nitong sagot.

Dito na rin ikwinento ni Barbie na ‘best friend’ niya ang ex ni AJ na si Axel. Sa katunayan, tinanggap niya ang dalaga sa kanilang circle of friends.

Nagpatuloy si Barbie sa pag-udyok kay AJ Raval na sana ay magsalita ito tungkol sa isyu.

“Kung wala kang kinalaman, o alam mo naman na hindi ka kabit ni Diego, magsalita ka. For me, bakit parang gusto mo na nangyayari ‘to lahat — na nagka-thing kayo ni Diego?”

Inakusahan din ni Barbie si AJ na pakikipag-sabwatan diumano nito kay Xian Gaza sa pagpapakalat ng fake news tungkol sa kanila.

“Parang, ako, ‘Oh, gusto mo pala ‘to,’” tanong pa niya.

Nananahimik pa rin si AJ Raval sa kanyang mga social media accounts. Nag-umpisa ito nang madawit sa kontrobersyal na hiwalayan nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

Patutsada ni Barbie Imperial kay AJ Raval: ‘Gusto mo maging kabit, eh hindi ka nga gusto ng boyfriend ko!'
AJ Raval and Diego Loyzaga in ‘Death of a Girlfriend’

Pahabol pa ni Barbie para kay AJ: “Gusto mo maging kabit? E, hindi ka nga gusto ng boyfriend ko.”

“Sobrang tahimik ako about the issue. Ang dami ko na ring naririnig, pero hindi ko na kinakaya. Alam mo na ganoon ‘yung lumalabas na isyu, bakit hindi na mismo ikaw ang magpatahimik at alam mo naman na hindi ka naman gusto ng boyfriend ko,”

Ayon kay Barbie, nagsalita na siya dahil kawawa na ang kanyang boyfriend na si Diego, na ngayon ay nananatiling tikom ang bibig sa isyu.

“Ang tagal ko nang nananahimik. ‘Yung boyfriend ko na ‘yung kawawa na pinagbibintangan na nag-chi-cheat sa akin. Hindi naman nag-chi-cheat si Diego sa akin,”

“Huwag ‘yung taong mahal ko, kasi magsasalita talaga ako para sa kaniya.” pagtatapos ni Barbie.

Previous articleRonnie Alonte at Loisa Andalio balik-tambalan sa ‘Love in 40 Days’
Next articleDating aktor na si Yul Servo Nieto isinusulong ang ‘Bonifacio Bills’ sa Kongreso