Patutsada kay Sharon Cuneta ‘MATANDA NA NAKIKIALAM PA!’ – CRISTINE REYES

ADVERTISING

Patutsada kay Sharon Cuneta ‘MATANDA NA NAKIKIALAM PA!’ - CRISTINE REYES MAG-REACT KAYA SI Sharon Cuneta sa tila patutsada sa kanya ni Cristine Reyes sa March issue ng YES Magazine?

Nilinaw kasi ng writer kay Cristine na hindi kailanman nagsumbong si Sarah Geronimo sa kanya nang awayin niya ito sa Twitter. Maanghang ang naging sagot ng young actress: “O, sige. ‘Pagpalagay na nating hindi nagsumbong. E, bakit naman sila nakikialam? Ang tatanda na nila sumasali pa sila.”

May kinalaman ang reaction ni Cristine sa isyung kinausap ni Sharon si Rayver Cruz at pinakiusapang ipagtanggol si Sarah. Nabasa namin nang buong-buo ang issue sa break-up nina Sarah at Rayver at naloka lang kami kung saan napunta ang mamahaling necklace na iniregalo ng binata kay Sarah. Nawala kasi ito at hindi na nakita.

Awa ang naramdaman namin para kay Rayver nang ikuwento niya na isinuot lang ito ni Sarah sa Skype dahil bawal itong makita ng kanyang ina. At lalo ka-ming nagulat dahil isang alalay ang nagmahadera at parang frame-up ang ginawa kina Rayver at Cristine nang i-loudspeaker nito ang usapan nila, kaya nabuking ni Sarah ang relasyon ng dalawa.

WALANG VALENTINE’S GIFT sa isa’t isa sina Carla Abellana at Geoff Eigenmann.

ADVERTISING

“Wala. Ang daming nagtatanong kung ano, pero wala talaga. Kasi we have taping that day, so we couldn’t ce-lebrate. Kumain kami the day before. Sabi ko nga, hindi kailangan ang Valentine’s Day para magbigayan ng regalo. On the set lang, magkasama kaming dalawa. Binigyan lang niya ako ng white flo-wers,” kuwento ni Carla na bida sa Magic Palayok ng GMA-7.

Surprisingly, wala ring selosan ang couple. “Hindi na kailangan. Parang there’s no room for jealousy in our relationship, kasi parang if you’re jealous of somebody else, ibig sabihin hindi mo tina-trust ang partner mo o insecure ka lang. We find that very petty. Parang hindi na namin kailangan ang ibang tao para magkaroon ng spice ang relationship,” sabi pa ng aktres.

BLIND ITEM: MUKHANG naghihirap na ang isang da-ting sexy actress. Nauubos na kasi ang kanyang mga naipon mula sa showbiz. Nagulat na lang ang isang TV repor-ter na kaibigan ng hitad nang minsan niya itong pakiusapan na hanapan siya ng booking.

Ang pagkakaintindi ng TV reporter, nagpapahanap sa kanya ng male customer ang dating sexy actress. “Ano ako, bugaw? Hindi ako bugaw, ‘no?” sabi sa amin ng TV reporter.

Down na down na yata ang aktres, kaya mukhang kakapit na naman siya sa patalim at babalikan ang dati niyang pinanggalingan.

Patutsada kay Sharon Cuneta ‘MATANDA NA NAKIKIALAM PA!’ - CRISTINE REYES
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING