Patricia Javier, sa bansa na maninirahan kasama ang asawa’t mga anak

ADVERTISING

Patricia Javier, sa bansa na maninirahan kasama ang asawa’t mga anak

Patricia-JavierBUMALIK NG ‘Pinas ang sexy actress na si Patricia Javier kasama ang dalawang anak at husband. This time daw ay for good na ang pag-settle niya at kanyang pamilya sa ating bansa.

ADVERTISING

Wala naman daw magiging problema sa kanyang pamilya dahil marunong daw mag-Tagalog ang kanyang husband na si Dr. Robert Walcher pati na ang dalawang anak na sina Robert Douglas VI at Ryan James.

Sa pagbabalik ng ‘Pinas ay balik-showbiz na rin siya at ang Viva Artist Management ang mamamahala ng kanyang showbiz career.

Noong nandito pa siya at active sa paggawa ng pelikula ay Viva Films ang nag-handle ng kanyang showbiz career kaya raw sa pagbabalik niya ay sa Viva niya ulit ipinagkatiwala ang career.

ADVERTISING

Ayon kay Patricia, habang nasa America sila ay pinasok niya ng pagdi-DJ dahil na rin daw sa kanyang husband. Habang nasa Tate ay naging active siya sa mga show sa Filipino community sa San Diego. Pero nahinto dahil sa madalang na lang daw nagkakaroon ng shows ngayon.

Dito na raw siya hinikayat ng kanyang mister na subukan ang mag-DJ para raw kapag may parties ang mga pasyante niya sa clinic ay siya ang magiging DJ ng party. Kaya nag-aral siya ng tungkol sa pagdi-DJ, tulad kung paano mag-mix ng music at ang technicals nito.

Pero alam kaya ni Patricia na naka-upload ngayon sa Internet ang sexy movies niya na ginawa at tila mga uncut scenes pa ang mga ito, tulad ng love scene nila ni Gardo Versoza, atbp.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING