Patay na, binababoy pa! Sex video scandal nina Ramgen Revilla at Janelle Manahan, pinagpipiyestahan sa internet!

ADVERTISING

 Patay na, binababoy pa! Sex video scandal nina Ramgen Revilla at Janelle Manahan, pinagpipiyestahan sa internet!

 Patay na, binababoy pa! Sex video scandal nina Ramgen Revilla at Janelle Manahan, pinagpipiyestahan sa internet!

NAPAKAWALANG PUSO naman nang nagpakalat at naglabas ng sex scandal ng yumaong si Ramgen Revilla at ng GF nitong si Janelle Manahan sa internet. Patay na nga ‘yung tao, nagawa pa nitong babuyin.

Halos hindi pa nga natatapos ang kaso sa pagpaslang sa batang aktor, ngayon ay sinegundahan pa ito ng pagkalat ng malaswang video nito sa internet. Nakakaawa rin ang GF nitong si Janelle na pinagpipistahan na ng lahat ng nakapanood at merong kopya ng nasabing scandal ang hubo’t hubad nitong katawan na labis nitong ikinasama ng loob at iniiyak araw-araw.

Apektado rin ang pamilya Revilla, lalo na ang mabait at mahusay na senador na si Bong Revilla na ipinahahanap na sa NBI ang naglabas at nagpakalat ng nasabing sex scandal para mapatawan ng nararapat na parusa.

ADVERTISING

“Masyado na nilang binaboy ang kapatid ko,” he said. “Ngayon, pati si Janelle, nadadamay pa sa kababuyan nila,” pahayag ni Sen. Bong.

 

SOBRA-SOBRA ANG pasasalamat ng magaling na komedyante/host at successful businessman na si Arnell Ignacio kay Willie Revillame sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataong humalili rito sa kanyang show na Wil Time Bigtime sa tuwing wala ito sa show.

Ang mag-host at magpasaya raw kasi ng tao ang talagang gustong gawin ni Arnell, kaya naman daw nang kausapin siya ni Willie na sa tuwing mawawala siya sa show ay siya ang hahalili, labis-labis ang kasiyahan nito.

Kaya naman hindi nga raw nito alam kung papaano pasasalamatan si Willie sa magandang break na ibinigay sa kanya at sa tiwalang ipagkaloob sa kanya ang top-rating show nito. Kaya naman daw wish nito na ito na ang magbubukas ng panibagong yugto ng kanyang hosting career na minsan na ring namayagpag sa mga shows ng GMA-7 at ABS-CBN 2.

 Patay na, binababoy pa! Sex video scandal nina Ramgen Revilla at Janelle Manahan, pinagpipiyestahan sa internet!

JANUARY PA lang daw ay ini-imagine na at excited na ang beauty queen-turned-host/actress na si Precious Lara Quigaman sa nalalapit nilang kasal ng actor at BF nitong si Marco Alcaraz na magaganap sa October 2012. Tsika nga nito, gustung-gusto na niyang magkaanak, dahil handang-handa na siyang matawag na mommy ng magiging supling nila ni Marco.

Kuwento pa nito na sobrang happy raw siya, dahil kung dati-rati ay panay next year lang ang sagot niya sa tuwing may magtatanong kung kailan sila ikakasal ni Marco, pero ngayon daw ay puwede na niyang sabihing October 2012 ang kanilang pag-iisang dibdib.

Hindi pa nga lang daw nito ma-discuss ang buong detalye ng kanilang kasal, pero as soon daw na mapag-usapan na nila ang lahat-lahat ng detalye sa kanilang wedding, hindi naman daw nito ito ipagdadamot na ipa-alam sa kanilang mga tagahanga.

 

PAGKATAPOS NG Iglot ay wala pang next show ang future matinee idol ng GMA-7 na si Hiro Magalona sa Kapuso Network, kaya naman after New Year ay balik-shooting siya ng isa pang pelikula mula sa Regal Films, ang Dead na Dead Sa U, habang naghihintay ng next project niya sa Kapuso Network.

Makakasama ni Hiro sa nasabing pelikula sina Ruffa Gutierrez at Gabby Concepcion at magiging kapareha naman niya ang batang komedyana na si Kiray. Bukod sa Dead na Dead Sa U, napapanood din si Hiro sa Tween Hearts bilang si Ian every Sunday at sa Walang Tulugan with the Master Showman bilang co-host ni Kuya Germs tuwing Saturday midnight.

Wish nga raw ni Hiro na magkaroon siya ulit ng primetime soap sa GMA-7 at gusto nitong makasama ang kanyang ka-loveteam sa Tween Hearts na si Kim Komatsu na gumaganap bilang si Angel sa PMPC 25th Star Awards For Television Best Youth-Oriented Show ng 2011, ang Tween Hearts.

 

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING