Patani fired from Eat… Bulaga!

ADVERTISING

Patani fired from Eat... Bulaga!

SA BIRTHDAY PARTY ng katotong John Fontanilla namin na-meet ang ‘Survivor’ na si Patani. Ang dami na kasing isyu sa gelamay na ito na diumano lumalaki na ang ulo kaya rin daw kaagad na nawala ito sa Eat… Bulaga! Pinagbigyan naman kami ni Patani nang ipatawag namin ito kay Nelson Canlas.

ADVERTISING

Pinabulaanang lahat ni Patani ang mga akusasyon sa kanya. ‘Yun daw sinasabing nagsuplada siya sa isang gustong magpakuha ng litrato with her eh, natuloy naman daw. Kinailangan lang siyempre na ipaalam muna sa mga nagha-handle sa kanilang mga parte ng Pinoy Survivor.

Naloka nga raw siya ng may isa rin daw gustong mag-interview sa kanya at pinagpaliwanagan naman niya at pumayag naman na maghintay. Kamukat-mukat daw niya, nasa dyaryo na siya the next day. Ang siste, hindi naman ang gustong mag-interview sa kanya ang nagsulat ng mga pintas sa naging pagpapahintay niya sa nag-request ng interbyu sa kanya.

Hindi naman daw sisirain ni Patani ang gusto niyang ma-achieve sa matagal na niyang pinangarap, na maging isang artista.

ADVERTISING

Ang nakakaloka kay Patani, aware naman siya na marami na ngang isyu sa kanya. At mukhang willing siyang magkaroon ng giyera patani sa ikot ng buhay niya, ha?

ISINAGAWA NA ANG blessing ng joint venture ng dalawang komedyanteng sina Pooh at Pokwang sa formal opening ng kanilang Salon de Poohkwang sa 101 West Avenue st. Quezon City (katabi ng St. Vincent’s School at Montessori).

Tinukso nga namin ang dalawa na baka eventually eh, sila pa ang magkatuluyan, at parehong umasim ang mga mukha nila, sabay tumawa nang tumawa.

Matagal na raw nilang dream ito. At nagkasundo naman sila nang magsama sila sa isang show, na ito ang gawin nilang business, ang pagpapaganda sa mga tao. Bukod nga raw sa mahahatiran nila ng katuwaan ang mga taong pinatatawa nila, mapapaganda pa raw nila ang mga ito.

Sabi ni Pokwang, annually raw silang magku-kuwentas klaras ng lahat ng kanilang gastusin at kita. At mapagkakatiwalaang mga tao naman ang inilagay nila para mangasiwa sa kanilang salon. Pero hands on pa rin naman daw sila at every chance na may time sila eh, sila ang makikita roong nagbabantay at ,mag-aasikaso.

Sey naman ni Pooh, nagpareserba na rin daw sila ni Pokwang ng puwesto sa bagong building ni Willie Revillame, at doon eh, pagkain naman ang ihahain nila sa kanilang mga kliyente.

MAGBABALIK ANG TROPA ng mga komedyante ng Klownz at Zirkoh sa entablado ngayong Biyernes, May 22 (sa Zirkoh-Greenhiills) sa repeat ng kanilang “Impersonata: Debate 2009” kung saan inaabangan ang pag-spoof sa karakter ng nakaaaliw na ina ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao na si Aling Dionesia na ini-interbyu kunwa sa malaganap na programa ni Oprah (na gagampanan nina Willie Jones at Nikki).

Due to insistent public demand, mang-aaliw muli ang mag-i-impersonate kay Senator Jamby Madrigal (Arnell Tamayo), Vicki Belo (Gie Kinis), Dr. Manny Calayan (Kim Idol), President Gloria Macapagal Arroyo (AJ), Jessica Soho (Petite), at Michelle Obama (Ador). Don’t miss this act!

The Pillar
by Pilar Mateo

ADVERTISING