Pasok sa top 10
Jennylyn Mercado, ‘di handang rumampa sa sexiest women ng men’s mag

ADVERTISING

Pasok sa top 10 <br> Jennylyn Mercado, ‘di handang rumampa sa sexiest women ng men’s mag

Jennylyn-MercadoPASOK SI Jennylyn Mercado sa listahan ng top ten sexiest women ng FHM para sa taong 2014. Pero hindi pa umano siya handang rumampa para rito.

ADVERTISING

“Parang wala akong lakas!” natawang sabi niya. “Parang wala akong ano… hindi ako gano’n ka-confident. Siyempre ang kasabay ko ‘yong mga talagang… E, ako, may baby na. Ganyan.”

Napangiti lang ulit si Jennylyn. Wala siyang anumang nasabi pa.

Ano ba ang kanyang naramdaman nang malaman kasali nga siya sa listahan ng ten sexiest women?

ADVERTISING

“Thankful ako kasi walang sawa pa rin ‘yong mga fans. Wala silang tigil sa kaboboto. Talagang nakatutuwa. Nakatataba ng puso. Talagang gusto nila akong i-push do’n.”

Baka next year, siya na ang ipu-push ng mga tagahanga niya na mag-number one sa sexiest women.

“I-push natin ‘yan!” natawang biro na lang ng Kapuso singer-actress.

May bago raw soap na gagawin si Jennylyn sa GMA 7. Pero hindi pa siya makapagbigay ng detalye hinggil dito dahil magmi-meeting pa raw sila ng management ng GMA 7.

“Siyempre hindi na baliw-baliwan ang magiging character ko. Iba naman!” aniya na ang tinutukoy ay ang ginampanan niyang dual role sa pinakahuling pinagbidahan niyang primetime series na Rhodora X. “Pero drama pa rin. Hindi pa rin ako nalalayo ro’n sa drama.”

Balik-tambalan ba ulit sila ni Mark Herras?

“Hindi. Iba ang makapa-partner ko. Hindi ko pa lang puwedeng sabihin kung sino.”

Matapos na ang Rhodora X pero hindi pa rin nawawala ang tsismis na nagkabalikan na raw ulit sila ni Mark.

“Hindi ko alam. Bakit wala akong alam?” natawa ulit na tanong ni Jennylyn. “‘Di ba dapat ako ang unang nakaaalam bago ‘yong iba? Ni hindi nga kami makapag-text sa isa’t isa, e. Baka dahil nga sa Rhodora X kaya may gano’n. Baka ‘yong kasi-selfie namin sa set dati. ‘Yong… para matuwa ‘yong mga Mark-Jen fans. Na hanggang ngayon nandiyan at buhay pa rin. Buhay na buhay pa rin ang mga fans namin ni Mark! Hahaha! Buhay na buhay sila. Ten years na.”

Sa Internet, may mga lumalabas na still photos niya sa Rhodora X na may nakatatawang captions. Ano ang masasabi niya tungkol dito?

“Oo nga, e. Ang dami nga, e. Okey lang iyon sa akin. Kasi… ‘yong Rhodora X medyo drama, ganyan. Pampagaan lang ng buhay, kumbaga. Ano lang… something different. At saka kung mapagkakatuwaan naman at magiging masaya ‘yong mga tao kapag nakita nila, okey lang. Ako nga kapag nakakikita ng mga gano’n, nakatatawa talaga. Oo. So, keri lang. Okey lang.”

Isa pang pinagkakabalahan ngayon ni Jennylyn ay pagkahilig pa rin niya sa triathlon. Pinaghahandaan nga niya ang kanyang pagsali sa isang international triathlon event na nakatakdang ganapin sa November.

“Nagti-training ako ngayon at least mga three times a week. Maximum of four times a week. Kadalasan ay sa Subic ako nagti-training. O kaya ay sa Amoranto stadium. Depende. Iba-iba.”

Wala pa bang bagong lovelife?

“Wala!” mabilis na sagot ni Jennylyn. “Ayoko muna. “Ako na lang muna. At saka family,” panghuling nasabi ni Jennylyn.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING