Parents ng sikat na young aktres, hiwalay na?!

ADVERTISING

HIWALAY NA NGA ba talaga ang non-showbiz parents ng isang sikat na young actress?
May nakapagtsika kasi sa amin na bagaman nakatira sa iisang bubong sina mommy at daddy ay magkahiwalay naman ito sa pagtulog. Since marami namang kuwarto sa kanilang napakalaking bahay, kasama ni mommy ang isa nitong anak o kung minsan, solo lang ito.
Pero si daddy, ang ka-join sa pagtulog ay ang kanilang aso.
But in fairness, wala namang ikinuwento na sa sobrang pananabik sa misis ni mister ay pati aso ay pinagdiskitahan nito.
“Pero mama, ganu’n talaga ang madir. Very strict. Strong kasi ang personality ni madir, kaya behaved lang with his pet si daddy!”
Pero ewan if this is true, ha? Pakikiramdaman namin.
Meanwhile, maglalaro muna kami ng “close-open, close-open”.

(By Ogie Diaz)

ADVERTISING
ADVERTISING