Pareho nang past ni Derek Ramsay
Angelica Panganiban, walang binatbat kay Solenn Heussaff?!

INAKSYUNAN KAAGAD ng ABS-CBN ang gulo between Megastar Sharon Cuneta and Eric John Salut, ang PR ng ABS-CBN.

We were informed na ipinatawag si Eric John ng mga bossing ng Dos. Sinabon daw ito nang husto dahil sa pagkakasangkot nito sa Twitter war with Megastar Sharon Cuneta.

Sharon fumed when she learned that her daughter KC Concepcion was seemingly alluded to the tweet of Eric John.

Gusto mo ng baho ng idolo mo? Dami kong alam. Di mo kakayanin,” Eric tweeted to @ladymars12 bilang reaction sa tweet nito. Some took it to mean that he’s referring to KC dahil fan si ladymars12 ng dalaga. Sabi pa ni Eric, “Kilala ko na kung kaninong fans ang bitter sa succes ng #EveryBreathUTake. Obvious!…

Ang daming nagalit na followers kay Eric John. Unbecoming of a PR officer ng isang multi-company raw  ang behavior nito at wala raw ka-PR-PR.

Some peole feels na Eric John is not careful with his tweets gayong he represents ABS-CBN.

It leaves a bad taste in the mouth nga naman kung titirahin mo ang isang Kapamilya rin.

Of course, puwedeng ipalusot ni Eric John na hindi naman niya pinangalanan si KC sa kanyang tweet. Siyempre, takot lang niya, ‘no!

Some KC fans wants Eric John out of ABS-CBN dahil sa kanyang ginawa while other naman threaten na hindi na sila magsu-subscribe sa TFC dahil kay Eric John.

Eric John was clearly inviting intrigue when he tweeted “Gusto mo ng baho ng idolo mo? Dami kong alam. Di mo kakayanin.” Unfortunately, hindi naman niya mapaninindigan ang kanyang threat. He just made a mockery of himself sa kanyang ginawa. Walk your talk, Eric John para may credibility ka.

HINDI PALA favorite girlfriend si Angelica Panganiban ng parents ng hunk actor na si Derek Ramsay.

In one event of the Ramsays, Angelica learned  that Derek’s family is indeed partial to the actor’s past girlfriend, Solenn Heussaff.

Solenn is Derek’s family’s la favorita at hinayang na hinayang sila nang magkahiwalay ang couple. The hunk actor’s mom and dad feel that Derek and Solenn are perfect as a couple as they share many things in common. They’re educated abroad, speak many languages and very active in sport.

Angelica, it seems, was shocked kung hanggang saan ang pagmamahal ng mga Ramsay kay Solenn. Sa isang event ay naloka siya nang malamang may isang niece si Derek na kapangalan ni Solenn.

BLIND ITEM: This gay staff of a network is the butt of joke sa kanilang kumpanya.

Living beyond his means kasi ang gay staff at feeling rich. Pala-ging branded ang kanyang mga gamit at feeling sosyal ito. Panay ang Ingles kahit na hindi naman bagay sa kanya ang accent. How funny!

Ang hindi niya alam, pinagtatawanan lamang siya dahil ang dami niyang utang. At mind you, hindi pa niya bayad ang ilan sa kanyang mga inutangan noon pa.

Kung makapagtaray ang hitad na ito sa social networking site ay ganoon na lamang pero ang nakakatawa ay baon pala siya sa utang.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleFirst movie pa lang Angeline Quinto,
si Coco Martin na ang leading man!
Next articleIwa Moto at Leandro Muñoz, hiwalay na!

No posts to display